إعدادات العرض
. .
. .
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay."
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский हिन्दी 中文 ئۇيغۇرچە Bahasa Indonesia اردو Kurdî Português دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча Kiswahili ગુજરાતી Hausa नेपाली Română മലയാളം Nederlands සිංහල پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof Soomaali አማርኛ Malagasy বাংলা Oromoo ไทยالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat nagpapalaho ng isip at nag-aalis nito, iyon ay alak na tagapagpalasing, maging iyon man ay naiinom o nakakain o nasisinghot o iba pa roon. Ang bawat nagpapalasing at nag-aalis ng isip ay ipinagbawal nga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at sinaway Niya ang kaunti niyon at ang marami niyon. Ang bawat sinumang uminom ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng mga tagapagpalasing na iyon, nanatili sa pag-inom nito, at hindi nagbalik-loob mula rito hanggang sa mamatay, siya ay karapat-dapat sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakait sa kanya ng pag-inom nito sa Paraiso.فوائد الحديث
Ang sanhi ng pagbabawal ng alak ay ang pagpapalasing; kaya ang bawat anumang nagpapalasing mula sa alinmang uri, ito ay bawal.
Si Allāh (napakataas Siya) ay nagbawal ng alak dahil sa nilalaman nito na mga pinsala at mga mabigat na kasiraan.
Ang pag-inom ng alak sa Paraiso ay bahagi ng kakumpletuhan ng sarap at kalubusan ng kaginhawahan.
Ang sinumang hindi nagpigil ng sarili niya sa pag-inom ng alak sa Mundo, magbabawal sa kanya si Allāh ng pag-inom nito sa Paraiso sapagkat ang ganti ay bahagi ng uri ng gawain.
Ang paghimok sa pagdali-dali sa pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala bago ng kamatayan.
التصنيفات
Ang mga Inuming Ipinagbabawal