إعدادات العرض
Hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa tanang-buhay. Ang pag-aayuno ng tatlong araw ay gaya ng pag-aayuno sa tanang-buhay sa kabuuan nito
Hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa tanang-buhay. Ang pag-aayuno ng tatlong araw ay gaya ng pag-aayuno sa tanang-buhay sa kabuuan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ikaw ay talagang nag-aayuno sa tanang-buhay at nagdarasal sa gabi." Kaya nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay manghihina ang mata at mapapagal ang kaluluwa. Hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa tanang-buhay. Ang pag-aayuno ng tatlong araw ay gaya ng pag-aayuno sa tanang-buhay sa kabuuan nito." Nagsabi ako: "Ngunit tunay na ako ay nakakakaya ng higit kaysa roon." Nagsabi siya: "Kaya mag-ayuno ka ng pag-aayuno ni David (sumakanya ang pangangalaga). Siya noon ay nag-aayuno isang araw at tumitigil-ayuno isang araw. Hindi siya noon tumatakas kapag nakiharap [sa kaaway]."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ไทย Македонски తెలుగు मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ বাংলা Malagasy Українськаالشرح
Umabot sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagtutuluy-tuloy sa pag-aayuno at hindi tumitigil-ayuno sa kahabaan ng tao at nagdarasal sa gabi sa kabuuan nito at hindi natutulog, kaya naman sumaway siya rito laban doon. Nagsabi siya rito: "Mag-ayuno ka at tumigil-ayuno ka, at magdasal ka sa gabi at matulog ka." Sumaway siya rito laban sa pagtutuluy-tuloy ng pag-aayuno at pagdarasal sa gabi sa kabuuan nito. Nagsabi siya rito: "Tunay na ikaw, kung gumagawa ka niyan, ay hihina ang mata mo, lulubog, at papasok; at mapapagal ang kaluluwa mo, mapapagod, at mapapata. Kaya naman hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa buong taon yayamang tunay na siya ay hindi nagkamit ng pabuya ng pag-aayuno dahil sa pagsalungat sa pagsaway at hindi tumigil-ayuno dahil siya ay nagpigil. Pagkatapos gumabay siya tungo sa pag-aayuno ng tatlong araw mula sa bawat buwan sapagkat ito ay katumbas ng pag-aayuno sa isang taon dahil ang bawat araw ay katumbas ng sampung araw, na pinakakaunti sa pagpapaibayo ng magandang gawa. Kaya nagsabi si `Abdullāh: "Tunay na ako ay nakakakaya ng higit kaysa roon." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Samakatuwid, mag-ayuno ka ng pag-aayuno ni David (sumakanya ang pangangalaga), na siyang pinakamainam na pag-aayuno. Siya noon ay nag-aayuno isang araw at tumtitigil-ayuno isang araw. Hindi siya noon tumatakas kapag nakiharap sa kaaway dahil ang pamamaraan ng pag-aayuno niya ay hindi nagpapahina ng katawan niya."فوائد الحديث
Ang pag-ayuno ng tatlong araw mula sa bawat buwan ay gaya ng pag-aayuno sa isang taon sa kabuuan nito. Iyon ay dahil ang magandang gawa ay katumbas ng sampung tulad nito kaya ang tatlong araw ay nagiging tatlumpung araw. Kaya kapag nag-ayuno mula sa bawat buwan ng tatlong araw, para bang siya ay nag-ayuno sa isang taon sa kabuuan nito.
Kabilang sa mga istilo ng pag-aanyaya (da`wah) tungo kay Allāh ang pagpapaibig sa paggawa, ang pagbanggit sa gantimpala nito, at ang pagtitiyaga rito.
Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Ang iniresulta ng kasaysayan ni `Abdullāh bin `Amr na si Allāh ay hindi nagpasamba sa lingkod Niya sa pamamagitan ng pag-aayuno lamang; bagkus nagpasamba Siya rito sa pamamagitan ng mga uri ng mga pagsamba. Kung sakaling naubus-ubos ang pagsisikap nito [sa pag-aayuno], talagang magkukulang ito sa iba. Kaya naman ang pinakamarapat ay ang pagkakatamtaman dito upang manatili ang ilan sa lakas niya para sa iba pa. Ipinahiwatig iyon sa sabi niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) kaugnay kay David (sumakanya ang pangangalaga): "Siya noon ay nag-aayuno isang araw at tumtitigil-ayuno isang araw. Hindi siya noon tumatakas kapag nakiharap [sa kaaway]."}
Ang pagbabawal sa pagpapakalalim-lalim at pagpapakahirap-hirap sa pagsamba. Ang pinakamabuti ay ang pananatili sa Sunnah.
Ang doktrina ng mayoriya sa mga may kaalaman ay ang pagkasuklam sa pag-aayuno sa tanang-buhay. Ito ay nagiging bawal kapag nagpatindi sa sarili, naminsala rito, pumilit dito, umayaw sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at naniwala na ang iba pa sa Sunnah niya ay higit na mainam kaysa sa Sunnah.
التصنيفات
Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob