إعدادات العرض
Bigkasin mo ang Qul huwa -llāhu aḥad (Sūrah 112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Sūrah 113 at Sūrah 114) kapag gumabi at kapag nagmadaling-araw nang tatlong ulit, sasapat ang mga ito sa iyo sa bawat bagay.
Bigkasin mo ang Qul huwa -llāhu aḥad (Sūrah 112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Sūrah 113 at Sūrah 114) kapag gumabi at kapag nagmadaling-araw nang tatlong ulit, sasapat ang mga ito sa iyo sa bawat bagay.
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Bigkasin mo ang Qul huwa -llāhu aḥad (Sūrah 112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Sūrah 113 at Sūrah 114) kapag gumabi at kapag nagmadaling-araw nang tatlong ulit, sasapat ang mga ito sa iyo sa bawat bagay."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Malagasy नेपाली Čeština Oromoo Română Nederlands Soomaali తెలుగు ไทย മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof ქართული Magyar Moore Українськаالشرح
Nagsaad ang ḥadīth na ito ng panutong pampropetang natatangi, at ng humihimok sa Muslim sa pagkapit sa pag-aalaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sapagkat ang sinumang nag-iingat kay Allāh ay iingatan ni Allāh. Dito ay nagpapatnubay ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Abdullāh bin Khubayb, malugod si Allāh sa kanya, at sa lahat ng Kalipunan niya, na kabilang sa mga maiiwan niya, na ang sinumang nagpapanatili sa pagbigkas sa Kabanata 112, Kabanata 113, at Kabanata 114 ng Qur'ān nang tatlong ulit kapag nag-umaga at kapag gumabi, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay magpapasapat sa kanya nito laban sa bawat bagay. Sa ḥadīth na ito ay may nasaad na dakilang kalamangan at kapita-pitagang gawain para sa bawat mananampalataya upang maisanggalang ang sarili niya laban sa lahat ng mga kasamaan at mga namiminsala. Ang ḥadīth na ito ay naglaman nga ng pananalita tungkol sa tatlong dakilang kabanata ng Qur'ān. Ang mga ito ay ang sumusunod: A. Ang Kabanata 112 na iniukol ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa sarili Niya kaya hindi Siya bumanggit dito ng anuman malibang nauugnay sa sarili Niya, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan. Ang lahat ng ito ay nakalaan kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Pagkatapos, ang bumibigkas nito ay lumulubos sa kawagasan niya kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Ito ay kaligtasan at tagapagligtas, na nagliligtas sa bumibigkas nito sa shirk. Nilinaw nga ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ito ay nakatutumbas ng sangkatlo ng Qur'ān ngunit ito ay hindi naman makatutumbas doon. B. Ang Kabanata 113, na naglaman ng pagpapakupkop laban sa kasamaan ng nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at pagpapakupkop laban sa kasamaan ng gabi at nilalaman nito na mga namiminsala, at laban sa kasamaan ng mga manggagaway at inggit. Tinipon nito ang pinakamadalas na mga bagay na laban sa mga iyon nagpapakupkop ang Muslim at nag-iingat. C. Ang Kabanata 114, na naglaman ng mga bahagi ng Tawḥīd. Ang "Panginoon ng mga tao" ay Tawḥīd Ar-Rubūbīyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon), ang "Hari ng mga tao" ay Tawḥīd Al-Asmā’ wa Aṣ-Ṣifāt (Paniniwala sa mga Pangalan at mga Katangian), at ang "Diyos ng mga tao" ay Tawḥīd Al-Ulūhīyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos). "laban sa kasamaan ng bumubulong na palaurong – na bumubulong sa mga dibdib ng mga tao – na kabilang sa mga jinn at mga tao." Tinapos ito sa pamamagitan ng pagpapakupkop laban sa kasamaan ng mga bulong ng demonyo.التصنيفات
Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi