إعدادات العرض
Sabihin mo: Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna –llāhi rabbi –l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi –l`azīzi –lḥakīm
Sabihin mo: Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna –llāhi rabbi –l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi –l`azīzi –lḥakīm
Ayon kay Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumuntang isang Arabeng Disyerto sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magturo ka sa akin ng pananalitang sasabihin ko." Nagsabi siya: "Sabihin mo: Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna –llāhi rabbi –l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi –l`azīzi –lḥakīm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong). Nagsabi ito: "Ang mga ito ay para sa Panginoon ko at ano naman ang para sa akin?" Nagsabi siya: "Sabihin mo: Allāhumma –ghfir lī, wa-hdinī, wa-rḥamnī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magtustos Ka sa akin.)"}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Español Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Hausa Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Čeština Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof ქართული Magyar Moore Українська Македонски Azərbaycan Shqip Malagasy Oromoo ไทย বাংলা Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
May humiling na isang lalaking kabilang sa mga nakatira sa ilang sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo siya rito ng isang pagsambit na sasabihin. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Sabihin mo: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya." Nagsimula siya sa pagsaksi sa Tawḥīd. Ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "Allāhu akbar kabīrā. (Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila." Ibig sabihin: Si Allāh ay pinakadakila kaysa sa bawat bagay at pinakasukdulan. "Alḥamdu lillāhi kathīrā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami.)" Ibig sabihin: Papuri kay Allāh sa pagkarami-rami sa mga katangian Niya, mga gawain Niya, at mga biyaya Niya na hindi maiisa-isa. "Subḥāna –llāhi rabbi –l`ālamīn. (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.)" Ibig sabihin: Nagpakawalang-kaugnayan Siya at nagpakabanal Siya laban sa kakulangan. "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi –l`azīzi –lḥakīm. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.)" Ibig sabihin: Walang pagpapalit mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan kundi sa pamamagitan ni Allāh, ng pagtulong Niya, pagtutuon Niya. Nagsabi naman ang lalaki: "Ang mga pangungusap na ito ay para sa Panginoon ko para sa pag-alaala sa Kanya at pagdakila sa Kanya, kaya ano naman ang para sa akin na panalangin para sa sarili ko?" Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) rito: Sabihin mo: "Allāhumma –ghfir lī, (O Allāh, magpatawad Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpawi sa mga masagwang gawa at pagtatakip sa mga ito. "wa-rḥamnī, (maawa Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mga kapakinabangan at mga kapakanang panrelihiyon at pangmundo sa akin. "wa-hdinī, (magpatnubay Ka sa akin,)" para sa pinakamaganda sa mga kalagayan at tungo sa landasing tuwid. "wa-rzuqnī. (at magtustos Ka sa akin.)" Ang yamang pinahihintulutan, ang kalusugan, at ang bawat kabutihan at kagalingan.فوائد الحديث
Ang paghimok sa pag-alaala kay Allāh sa pamamagitan ng tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa –llāh), takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), at tasbīḥ (pagsabi ng Subḥāna –llāh).
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsambit kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya bago ng panalangin.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin ng tao ng pinakakaaya-ayang panalangin at ng ipinaabot kabilang sa may mga tagatipon ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanya na manalangin ng anumang niloloob niya.
Nararapat sa tao ang pagsisigasig sa pagkatuto ng nagpapakinabang sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang paghimok sa paghiling ng kapatawaran, awa, at panustos sapagkat ang mga ito ay kinasalalayan ng kabutihan.
Ang pagkamaalalahanin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtuturo sa Kalipunan niya ng nagpapakinabang sa kanila.
Binanggit ang awa matapos ng kapatawaran upang mabuo ang pagdadalisay sapagkat ang kapatawaran ay pagtatakip ng mga pagkakasala, pagpawi ng mga ito, at pag-aalis buhat sa Apoy samantalang ang awa ay pagpapaabot ng mga kabutihan at pagpasok sa Paraiso. Ito ay ang pagkatamong sukdulan.