Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}

Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}

Ayon kay Al-Barā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang dalawang Muslim na nagkasalubungan sa daan at tulad nito saka bumati ang isa sa dalawa sa kanila sa isa pa sa pakikipagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay nang pisikal o sa pamamagitan ng pagtatapos ng pakikipagkamayan.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pakikipagkamayan sa sandali ng pagkikita at ang paghimok dito.

Nagsabi si Al-Munāwī: Hindi natatamo ang Sunnah malibang sa pamamagitan ng paglalagay ng kanang kamay sa kanang kamay kung saan walang maidadahilan.

Ang paghimok sa pagpapalaganap ng pagbati at ang paglilinaw sa bigay ng pabuya sa pakikipagkamayan ng Muslim sa kapuwa niya Muslim.

Naibubukod mula sa ḥadīth ang ipinagbabawal na pakikipagkamayan gaya ng pakikipagkamayan sa babaing estranghera.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos, Ang mga Kaasalan ng Pagbati at Pagpaalam