Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya ay lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}

Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya ay lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya ay lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsinungaling laban sa kanya nang nananadya sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanya ng isang sinabi o isang ginawa, tunay na ang taong ito sa Kabilang-buhay ay magkakaroon ng isang upuan sa Impiyerno, bilang ganti sa kanya sa pagsisinungaling niya laban sa Propeta.

فوائد الحديث

Ang pagsisinungaling laban sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa pagpapakay at pananadya ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.

Ang pagsisinungaling laban sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay hindi gaya ng pagsisinungaling laban sa nalalabi sa mga tao dahil sa inireresulta roon na mga mabigat na katiwalian sa Relihiyon at Mundo.

Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalaganap ng mga ḥadīth bago ng pagpapatibay at pagpapakatiyak sa katumpakan ng pagkakaugnay ng mga ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

التصنيفات

Ang Kahalagahan ng Sunnah at ang Katayuan Nito, Ang Etikang Kapula-pula