{Dati, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakaaalam sa paghihiwalay ng kabanata [ng Qur'ān] hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain).}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Dati, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakaaalam sa paghihiwalay ng kabanata [ng Qur'ān] hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain).}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Naglilinaw ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang mga kabanata ng Marangal na Qur'ān ay bumababa noon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya nakaaalam ng pagkahiwalay ng mga ito at pagkawakas ng mga ito hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain) para malaman niya na ang naunang kabanata ay nagwakas na at na ito ay simula ng isang bagong kabanata.

فوائد الحديث

Ang basmalah ay naghihiwalay sa pagitan ng mga kabanata, maliban sa pagitan ng Kabanatang Al-Anfāl at Kabanatang At-Tawbah.

التصنيفات

Ang Pagbaba ng Qur'ān at ang Pagtitipon Nito, Ang Pagtipon ng Qur'ān, Ang Paghinto at ang Pagsisimula