Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala

Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May mga taong kabilang sa mga kampon ng Shirk, na sila noon nga ay pumatay at nagparami [ng pagpatay] at nangalunya at nagparami [ng pangangalunya] saka pumunta kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala." Kaya bumaba [ang talatang]: {[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya.} (Qur'ān 25:68) at bumaba [ang talatang]: {Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh;} (Qur'ān 39: 53).}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

May mga lalaking kabilang sa mga tagapagtambal na dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sila noon nga ay nagparami ng pagpatay at pangangalunya, saka nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang ipinaanyaya mo na Islām at mga katuruan nito ay isang bagay na maganda, subalit ang kalagayan namin at ang kinasadlakan namin dito na shirk at malalaking kaṣalanan, para rito ba ay may panakip-sala?" Kaya bumaba ang dalawang āyah kung saan tumanggap si Allāh mula sa mga tao ng pagbabalik-loob sa kabila ng dami ng mga pagkakasala nila at bigat ng mga ito. Kung sakaling hindi dahil doon, talaga sanang nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamalabis nila at talaga sanang hindi sila pumasok sa Relihiyong ito.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng Islām, ang kadakilaan nito, at na ito ay nagwawasak sa anumang bago nito na mga pagkakasala.

Ang lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya, ang pagpapatawad Niya, at ang pagpapaumanhin Niya.

Ang pagbabawal sa Shirk, ang pagbabawal sa pagpatay ng buhay nang wala sa katwiran, ang pagbabawal sa pangangalunya, at ang banta sa sinumang nakagagawa ng mga pagkakasalang ito.

Ang pagbabalik-loob na tapat na sinasabayan ng pagpapakawagas at maayos na gawa ay nagtatakip-sala sa lahat ng malalaking kasalanang kalakip sa mga ito ang kawalang-pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya).

Ang pagbabawal sa pagkasira ng loob at pagkawala ng pag-asa sa awa ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).

التصنيفات

Ang Islām