إعدادات العرض
Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya
Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya."
الترجمة
العربية Português دری অসমীয়া বাংলা Kurdî پښتو Hausa Tiếng Việt Македонски O‘zbek Kiswahili ភាសាខ្មែរ ਪੰਜਾਬੀ Moore తెలుగు اردو Azərbaycan ไทย አማርኛ Magyar Türkçe ქართული 中文 ಕನ್ನಡ ગુજરાતી Українська Shqip हिन्दी Кыргызча Српски Kinyarwanda тоҷикӣ Wolof Čeština Русский Bahasa Indonesia English தமிழ் नेपाली മലയാളം kmr فارسیالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bahagi ng kakumpletuhan ng mga kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng Muslim at kalubusan ng pananampalataya niya ang paglayo niya sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya, hindi natatangi sa kanya, hindi minamahalaga sa kanya, at hindi nagbebenepisyo sa kanya na mga sinasabi at mga ginagawa, o kabilang sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya mula sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay o. Ang pagpapakaabala sa anumang hindi ukol sa tao ay marahil aabala sa kanya palayo sa nauukol sa kanya o magpapahantong sa kanya tungo sa kinakailangang iwasan. Tunay na ang tao ay tatanungin tungkol sa mga gawain niya sa Araw ng Pagbangon.فوائد الحديث
Ang mga tao ay nagkakaibahan sa [pagsasabuhay sa] Islām at ito ay nadaragdagan ng kagandahan sa pamamagitan ng ilan sa mga gawain.
Ang pagwaksi sa walang-kabuluhan at mga kalabisan sa mga sinasabi at mga ginagawa ay isang patunay sa kakumpletuhan ng pagkaanib sa Islām ng tao.
Ang paghimok sa pagpapakaabala sa anumang pumapatungkol sa tao kabilang sa mga nauukol sa panrelihiyong buhay niya at pangmundong buhay niya. Kaya kapag naging bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng hindi pumapatungkol sa kanya, bahagi rin ng kagandahan nito, samakatuwid, ang pagpapakaabala niya sa anumang pumapatungkol sa kanya.
Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim (kaawaan siya ni Allāh): Nagtipon nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkamaiwas sa kasalanan sa kabuuan nito sa iisang pangungusap sapagkat nagsabi siya: "Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng hindi pumapatungkol sa kanya." Ito ay lumalahat sa pag-iwan ng anumang hindi pumapatungkol gaya ng pagsasalita, pagtingin, pakikinig, pagsaling, paglalakad, pag-iisip, at nalalabi sa mga pagkilos na nakahayag at nakakubli. Kaya naman ito ay isang salitang nakatutugon sa pagkamaiwas sa kasalanan.
Nagsabi si Ibnu Rajab: Ang ḥadīth na ito ay isang saligan kabilang sa mga saligan ng etiketa.
Ang paghimok sa paghahanap ng kaalaman dahil sa pamamagitan nito nakakikilala ang tao ng pumapatungkol sa kanya sa hindi pumapatungkol sa kanya.
Ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama at ang pagpapayo ay kabilang sa pumapatungkol sa tao dahil siya ay inuutusan ng mga ito.
Napaloloob sa pagkapangkalahatan ng kahulugan ng ḥadīth ang paglayo sa anumang hindi pumapatungkol kabilang sa ipinagbawal ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at kinasusuklaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at gayon din ang hindi kinakailangan kabilang sa mga bagay-bagay na pangkabilang-buhay gaya ng mga reyalidad ng Nakalingid at mga detalye ng patakaran sa paglikha at pag-uutos. Kabilang sa mga ito ang pagtatanong at ang pagsasaliksik sa mga usaping tinataya at ipinagpapalagay, na hindi naganap, o hindi halos nagaganap o hindi naguguniguni ang pagkaganap ng mga ito.
التصنيفات
Ang Etikang Kapula-pula