إعدادات العرض
Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal,
Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal,
Ayon kay Abū `Abdillāh Jābir bin `Abdillāh Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, at hindi ako nagdagdag doon ng anuman – na papasok ba ako sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." ...}
الترجمة
العربية Español አማርኛ English اردو Indonesia বাংলা Français Türkçe Русский Bosanski සිංහල हिन्दी 中文 فارسی Tiếng Việt Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ ไทย Deutsch پښتو অসমীয়া Shqip Nederlands ગુજરાતી Кыргызча नेपाली Lietuvių دری Српски тоҷикӣ Kinyarwanda Română Magyar Čeština Moore Malagasy Oromoo ಕನ್ನಡ Wolof Azərbaycan O‘zbek Українська ქართული Македонски ភាសាខ្មែរ Bambara ਪੰਜਾਬੀ मराठी Kirundi Kurmancî Bahasa Melayuالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal ng limang ṣalāh na isinatungkulin at hindi nagdagdag sa mga ito ng anuman mula sa mga pangkusang-loob na ṣalāh, nag-ayuno sa Ramaḍān at hindi nagkusang-loob [ng ibang ayuno], naniwala sa pagkapahintulot ng ipinahihintulot at ginawa ito, at naniwala sa pagkabawal ng bawal at umiwas rito, papasok siya sa Paraiso.فوائد الحديث
Ang pagsisigasig ng Muslim sa paggawa ng mga tungkulin at ang pag-iwan sa mga ipinagbabawal at na ang layon niya ay ang pagpasok sa Paraiso.
Ang kahalagahan ng paggawa ng ipinahihintulot at ang paniniwala sa pagkapahintulot nito at ang pagbabawal sa ipinagbabawal at ang paniniwala sa pagkabawal nito.
Ang paggawa ng mga kinakailangan at ang pagwaksi ng mga ipinagbabawal ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.
