{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}

{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}

ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}

[Tumpak]

الشرح

{Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtaboy at pagpapalayo mula sa awa ni Allāh para sa bawat lalaking nagpapakawangis sa babae sa mga kasuutang natatangi sa mga babae, maging sa anyo o kulay o moda o pamamaraan ng pagsuot o gayak o iba pa roon; o na magpakawangis ang babae sa kasuutang natatangi sa mga lalaki gayundin. Ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

فوائد الحديث

Nagsabi si Ash-Shawkānīy: Ang pagbabawal sa pagpapakawangis ng mga babae sa mga lalaki at ng mga lalaki sa mga babae ay dahil ang sumpa ay hindi nangyayari kundi sa isang gawaing ipinagbabawal.

Nagsabi si Shaykh Ibnu `Uthaymīn: Ang anumang komun sa dalawa tulad ng ilan sa mga sando na isinusuot ng mga lalaki at mga babae, tunay na walang masama rito. Ibig sabihin: walang masama na magsuot nito ang mga lalaki at mga babae dahil ito ay komun.

التصنيفات

Ang Pagpapakawangis na Sinasaway, Ang Kasuutan at ang Gayak