Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagdadala ng pabango,at nag-iihip ng pugon,Kaya`t ang nagdadala ng pabango;maaari ka niyang mabigyan,o maaari ka niyang mapagbibintahan,o maaaring makakakatagpo ka sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang nag-iihip ng…

Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagdadala ng pabango,at nag-iihip ng pugon,Kaya`t ang nagdadala ng pabango;maaari ka niyang mabigyan,o maaari ka niyang mapagbibintahan,o maaaring makakakatagpo ka sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang nag-iihip ng pugon;maaaring masunog nito ang iyong mga damit o maaaring makakatagpo ka ng masamang hangin

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagdadala ng pabango,at nag-iihip ng pugon,Kaya`t ang nagdadala ng pabango;maaari ka niyang mabigyan,o maaari ka niyang mapagbibintahan,o maaaring makakakatagpo ka sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang nag-iihip ng pugon;maaaring masunog nito ang iyong mga damit o maaaring makakatagpo ka ng masamang hangin))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Hinihikayat ng Sugo natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito ang Muslim sa pangangailangan ng pagpili sa mabuting kaibigan,Sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga;na ang kahalintulad ng mabuting kaibigan ay tulad ng nagdadala ng pabango,maaari ka niyang mabigyan ng libre,o maaari kang makabili sa kanya,o maaari kang makatagpo sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang masamang kaibigan-ang pagpapakupkop ay sa Allah-Tunay na siya ay nag-iihip ng pugon;maaaring masunog nito ang iyong mga damit dahil sa mga nagliliparan sa iyo mula sa mga tumatalsik na apoy,o maaaring makatagpo ka ng masamang amoy.

التصنيفات

Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos, Ang Pagpula sa mga Pagsuway