إعدادات العرض
Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan. Kaya kapag dumating ka sa kanila, mag-anyaya ka sa kanila na sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh
Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan. Kaya kapag dumating ka sa kanila, mag-anyaya ka sa kanila na sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang ) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal nang nagpadala siya rito sa Yemen: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan. Kaya kapag dumating ka sa kanila, mag-anyaya ka sa kanila na sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng isang kawanggawang kinukuha mula sa mga mayaman nila saka ibinabalik sa mga maralita nila. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, kaingat ka sa mamahalin sa mga ari-arian nila at mangilag ka sa panalangin ng inaapi sapagkat tunay na walang tabing sa pagitan nito at ni Allāh."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල தமிழ் ไทย دری Akan Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy नेपाली or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Azərbaycan Moore Wolof Oromoo Soomaali Українська bm km rn ქართული Македонски Српскиالشرح
Noong nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) sa bayan ng Yemen bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh at bilang tagapagturo, naglinaw siya rito na ito ay makikipagharap sa mga taong kabilang sa mga Kristiyano upang siya ay maging nasa isang paghahanda para sa kanila, pagkatapos upang magsimula siya sa pag-aanyaya sa kanila sa pinakamahalaga saka sa pinakamahalaga. Mag-aanyaya siya sa kanila tungo sa pagsasaayos ng paniniwala, una sa lahat, sa pamamagitan ng pagsaksi nila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh dahil sila sa pamamagitan nito ay papasok sa Islām. Kaya kapag nagpaakay sila roon, mag-uutos siya sa kanila ng pagpapanatili ng pagdarasal dahil ito ay pinakadakila sa mga tungkulin matapos ng Tawḥīd. Kaya kapag nagpanatili sila ng pagdarasal, mag-uutos siya sa mga mayaman nila ng pagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga maralita nila. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanya laban sa pagkuha ng pinakamainam sa yaman dahil ang tungkulin ay ang katamtaman. Pagkatapos nagtagubilin ito sa kanya ng pag-iwas sa pang-aapi upang hindi dumalangin laban sa kanya ang inaapi sapagkat tunay na ang panalangin nito ay tinutugon.فوائد الحديث
Ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba at ang pagwaksi sa pagsamba sa anumang iba sa Kanya.
Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang pananampalataya sa kanya at sa anumang inihatid niya at ang pagpapatotoo sa kanya at na siya ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo ni Allāh sa Sangkatauhan.
Ang pakikipag-usap sa maalam at sinumang may pagkakahawig dito ay hindi gaya ng pakikipag-usap sa mangmang. Dahil dito, tumawag-pansin siya kay Mu`ādh sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan."
Ang kahalagahan ng pagiging ang Muslim ay nakabatay sa isang pagkatalos sa Relihiyon niya upang makapagpawala siya ng mga maling akala ng mga tagapag-akala. Iyon sa pamamagitan ng paghanap ng kaalaman.
Ang kawalang-saysay ng relihiyon ng mga Hudyo at mga Kristiyano matapos ng pagkapadala sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na sila ay hindi kabilang sa mga may kaligtasan sa Araw ng Pagbangon hanggang sa pumasok sila sa Relihiyong Islām at sumampalataya sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
التصنيفات
Ang Islām