إعدادات العرض
.
.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay, saka ako isang araw ay naging malapit sa kanya habang kami ay humahayo, kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin hinggil sa isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin buhat sa Impiyerno." Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon. Sasamba ka kay Allāh at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman. Magpapanatili ka ng pagdarasal. Magbibigay ka ng zakāh. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako gagabay sa iyo sa mga pinto ng kabutihan? Ang Paraiso ay kalasag. Ang kawanggawa ay umaapula sa kasalanan kung paanong umaapula ang tubig sa apoy at ang pagdarasal ng tao sa kailaliman ng gabi [ay gayon din]." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan,} hanggang sa uambot siya, {... dati nilang ginagawa.} Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa ulo ng usapin sa kabuuan nito, poste nito, at rurok ng tugatog nito?" Nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang ulo ng usapin ay ang Islam, ang poste nito ay ang pagdarasal, at ang rurok ng tugatog nito ay ang pakikibaka." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa pinakasaligan nito?" Nagsabi ako: "Opo, O Propeta ni Allāh." Kaya humawak siya sa dila niya. Nagsabi siya: "Pigilin mo sa iyo ito." Kaya nagsabi ako: "O Propeta ni Allāh, at tunay na kami po ay talagang mga pananagutin sa anumang sinasalita namin?" Kaya nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Mu`ādh! May magsusubsob kaya sa mga tao sa Impiyerno sa mga mukha nila o sa mga ilong nila kundi ang mga ani ng mga dila nila."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം नेपाली Deutsch Кыргызча తెలుగు ქართული Moore Magyar Svenska Македонски ಕನ್ನಡ Українська አማርኛ Kinyarwanda Oromoo ไทย Lietuvių Српскиالشرح
Nagsabi si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay, saka ako isang araw ay naging malapit sa kanya habang kami ay humahayo, kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin hinggil sa isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin mula sa Impiyerno. Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang gawaing mabigat ang paggawa nito sa mga kaluluwa. Tunay na ito ay talagang magaang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon. Gampanan mo ang mga tungkulin sa Islam. 1. Sasamba ka kay Allāh – tanging sa Kanya – at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman. 2. Magpapanatili ka ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi: sa madaling-araw, tanghali, hapon, paglubog ng araw, at gabi kalakip ng mga kundisyon sa mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinakailangan sa mga ito. 3. Magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalaping kinakailangan sa bawat yamang umabot sa isang kantidad na tinakdaan sa Batas ng Islam, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. 4. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. 5. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] sa pamamagitan ng pagsasadya sa Makkah para magsagawa ng mga gawaing-pagsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapaalam sa iyo sa daang nagpaparating sa mga pinto ng kabutihan? Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapasunod sa mga gawaing tungkulin ng mga gawaing kusang-loob: A. Ang Ayuno ng Pagkukusang-loob. Ito ay tagapigil sa pagkasadlak sa mga pagsuway. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbasag sa pagnanasa at pagpapahina ng lakas. B. Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob. Ito ay umaapula sa kasalanan matapos ng pagkagawa nito, nag-aalis nito, at pumapawi ng bakas nito. C. Ang Ṣalāh na Tahajjud sa huling katlo ng gabi. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sabi ni Allāh (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa ...} Ibig sabihin: Naglayuan {sa mga hinihigaan} Ibig sabihin: mga higaan. {dumadalangin sila sa Panginoon nila} sa pamamagitan ng salah, dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, at panalangin. {sa pangamba at sa paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata} Ibig sabihin: ang ikinagiginhawa ng mga mata nila sa Araw ng Pagbangon at sa Paraiso na kaginhawahan {bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa}. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (s): "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa saligan ng Relihiyon, poste nito na sinasandalan nito, at rurok ng tugatog nito?" Nagsabi si Mu`ādh: "Opo, O Sugo ni Allah." Nagsabi ang Propeta (s): "Ang ulo ng usapin ay ang Islam." Ito ay ang Dalawang Pagsaksi. Sa pamamagitan ng dalawang ito, magiging kasama ng tao ang saligan ng Relihiyong Islam. "ang poste nito ay ang pagdarasal," kaya walang Islam habang walang salah, kung paano na ang bahay ay hindi nagiging bahay habang walang poste. Kaya ang sinumang nagdarasal, lalakas ang pagrerelihiyon niya at aangat. "ang rurok ng tugatog nito" at pagkaangat nito ay sa pamamagitan ng pakikibaka at pagkakaloob ng pagsisikap sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng Relihiyong Islam para sa pagtataas sa Salita ni Allah. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (s): "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo" hinggil sa pagpapatibay at pagpapahusay sa nagdaan. Kaya humawak siya (s) sa dila niya. Nagsabi siya: "Magpigil ka nito at huwag kang magsalita ng hindi nauukol sa iyo." Kaya nagsabi si Mu`ādh: "Magpapanagot kaya sa amin at magtutuos sa amin, ang Panginoon namin, at magpaparusa Siya sa amin dahil sa anumang sinasalita namin?" Nagsabi siya (s): "Hanap-hanapin ka nawa ng ina mo! Ang tinutukoy rito ay ang panalangin laban sana sa kanya subalit ito ay kabilang sa mga pananalita ng mga Arabe para sa pagtawag-pansin sa isang bagay na nararapat na makatawag-pansin sa kanya at magpaalam sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "May magpupukol kaya sa mga tao at magbabagsak sa kanila sa mga mukha nila sa Impiyerno kundi ang mga ani ng mga dila nila na kawalang-pananampalataya, maling paratang, pang-aalipusta, panlilibak, tsismis, paninirang-puri, at tulad nito?"فوائد الحديث
Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allah sa kanila) sa kaalaman. Dahil dito, dumarami mula sa kanila ang pagtatanong sa Propeta (s).
Ang pagkaunawa ng mga Kasamahan (malugod si Allah sa kanila) ay dahil sa kaalaman nila na ang mga gawain ay kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.
Ang tanong na namutawi kay Mu`ādh (r) ay isang mabigat na tanong dahil ito, sa katunayan, ay lihim ng buhay at kairalan sapagkat ang bawat umiiral sa Mundong ito na mga anak ni Adan at ng jinn ay may patutunguhang maaaring ang Paraiso o maaaring ang Impiyerno. Kaya dahil doon, ang tanong na ito ay naging mabigat.
Ang pagkaresulta ng pagpasok sa Paraiso sa pagkakasagawa ng limang haligi ng Islam: ang Dalawang Pagsaksi, ang salah, ang zakāh, ang pag-aayuno, at ang ḥajj.
Ang ulo ng Relihiyon, ang pinakamataas sa mga misyon, at ang pinakamataas sa mga kinakailangan ang paniniwala sa kaisahan ni Allah sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.
Ang awa ni Allah sa mga lingkod Niya na nagbukas Siya para sa kanila ng mga pinto ng kabutihan upang makapagbaon sila ng mga kadahilanan ng pabuya at kapatawaran sa mga pagkakasala.
Ang kainaman ng pagpapakalapit-loob kay Allah sa pamamagitan ng mga pagsambang kusang-loob matapos ng pagganap ng mga pagsambang tungkulin.
Ang salah sa Islam ay nasa antas ng poste na kinatatayuan ng kubol. Naaalis ang Islam sa pagkaalis nito gaya ng pagbagsak ng kubol sa pagkabagsak ng poste nito.
Ang pagkakinakailangan ng pag-iingat sa dila laban sa anumang nakapipinsala sa tao sa relihiyon niya.
Ang pagpigil sa dila, ang pagkontrol dito, at ang pagsupil ay ang saligan ng kabutihan sa kabuuan nito.
التصنيفات
Ang Islām