Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa]

Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa]

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: (( Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa])) At sa isang pananalita :((Hindi siya pinapahintulutang maglakbay sa loob ng isang araw maliban kapag siya ay may kasamang mahram))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang babae ay kilala sa pagnanasa at kasakiman,at hindi niya kayang pangalagaan ang kanyang sarili dahil sa kahinaan niya at kakulangan ng pag-iisip niya,at maliban rito,kabilang sa kinakailangan na lalabas siya kasama ang asawa niya o isa sa mga mahram niya,na magbibigay proteksiyon sa ari-arian niya,at mangangalaga sakarangalan niya sa sinumang [magnais na] magtangka sa kanya,Dahil rito ay ibinilang sa mga kondisyon na maaaring maging mahram ay nasa hustong gulang at may matinong pag-iisip;upang makamit ang layunin.At binabalaan siya ng Batas sa Islam sa paniniwala niya sa Allah at sa Huling Araw,na kapag inaalagaan niya ang kanyang pananampalataya.at isinasagawa niya ang mga kinakailangan rito;na huwag siyang maglakbay maliban kapag may kasamang mahram

التصنيفات

Ang mga Kaasalan at mga Patakaran ng Paglalakbay, Ang mga Kinakailangan sa `Umrah