إعدادات العرض
Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Русский Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം नेपाली Deutsch Кыргызча తెలుగు ქართული Moore Magyar Svenska Македонски ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Oromoo ไทย Lietuvių Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasyالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa [katuruang] nasaad doon ang tagubilin buhat sa mga naunang propeta, naglipat-lipat nito ang mga tao sa gitna nila, at nagmana-mana sila nito buhat sa mga iyon, isang salinlahi matapos ng isang salinlahi, hanggang sa dumating sa una ng Kalipunang ito [ang katuruang]: "Tumingin ka sa ninanais mong gawin sapagkat kung ito ay naging kabilang sa hindi mo ikahihiya, gawin mo ito; at kung ito ay naging kabilang sa ikahihiya mo, iwan mo ito." Kaya tunay na ang tagapigil sa paggawa ng mga pangit ay ang pagkahiya sapagkat ang sinumang hindi nagkaroon ng pagkahiya ay nagugumon sa bawat mahalay at nakasasama.فوائد الحديث
Ang pagkahiya ay ang ugat ng mga marangal na kaasalan.
Ang pagkahiya ay isang katangian kabilang sa mga katangian ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga). Ito ay kabilang sa naiulat buhat sa kanila.
Ang pagkahiya ay ang gumagawa sa taong Muslim na gumawa ng nagpaparikit at gumagayak at magwaksi ng dumudungis at dumudusta.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pag-uutos kaugnay rito ay para sa pagpayag. Ibig sabihin: Kapag nagnais kang gumawa ng isang bagay saka kung ito ay naging kabilang sa hindi ka mahihiya kay Allāh at sa mga tao kapag ginawa mo, gawin mo ito; at kung hindi, huwag. Ayon dito ang saklaw ng Islām. Ang panuto niyon ay na ang inuutos, ang kinakailangan, at ang iminumungkahi, ay ikinahihiya na magwaksi nito at ang sinasaway, ang bawal, at ang kinasusuklaman, ay ikinahihiya na gumawa nito. Hinggil naman sa pinapayagan, ang pagkahiya sa paggawa nito ay pinapayagan at gayon din sa pagwaksi nito. Kaya naglaman ang ḥadīth ng limang patakaran. Sinabing ito ay isang utos ng pagbabanta. Ang kahulugan nito ay kapag inalis sa iyo ang pagkahiya, gawin mo ang niloob mo; sapagkat tunay na si Allāh ay makikipaggantihan sa iyo rito. Sinabi ring ito ay isang utos na may kahulugan ng pabatid. Ibig sabihin: ang sinumang hindi nahihiya, gagawin niya ang ninais niya.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri