Hindi kabilang sa amin ang sinumang nanakit ng pisngi, at namiyak ng bulsa, at nanawagan sa pamamgitan ng panawagan ng mga mangmang

Hindi kabilang sa amin ang sinumang nanakit ng pisngi, at namiyak ng bulsa, at nanawagan sa pamamgitan ng panawagan ng mga mangmang

Mula kay Abdullah Bin Mas'ud -kalugdan nawa siya ng Allah- marfuw'an: ((Hindi kabilang sa amin ang sinumang nanakit ng pisngi, at namiyak ng bulsa, at nanawagan sa pamamgitan ng panawagan ng mga mangmang)).

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa Allah kung anuman ang kanyang kinuha, at sa Kanya din kung anuman ang kanyang ibinigay. At doon ay may ganap na karunungan at matalinong pag-uugali. At kung sinuman ang sumuway dito at umayaw ay para na rin siyang sumuway sa kapasiyahan ng Allah at kapalaran niya na siya ang mata ng kabutihan at karunungan at haligi ng katarungan at kaigihan. Kaya ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- binanggit niya na kung sinuman ang nagyamot at nabalisa sa kapasiyahan ng Allah siya ay nasa di kaaya-ayang daan at di kanais-nais na pamamaraan, sapagkat katotohanan siya ay naligaw ng daan patungo sa punto ng mga yaong kapag nadatnan sila ng kasamaan ay nababalisa at nasisindak, dahil sila ay napamahal na dito sa mundong ibabaw at hindi na sila nagnanais ng gantimpala ng Allah at kaluguran niya sa pamamagitan ng pagtitimpi sa kanilang mga pagsubok. Kaya Siya ay nagpawalang-sala sa kung sinuman ang nahinaan ng panananpalataya at hindi nakayanan ang pagsubok hanggang sa napalabas sila ng iyon patungo sa pagkayamot ng loob at salita sa pamamagitan ng pag-iyak at paggalos, o pagkayamot ng gawain gaya ng pagpunit ng mga bulsa, paghampas ng mga pisngi bilang pagsabuhay ng kasanayan ng mga mangmang. At katotohanan ang mga tagapagtanggol niya ay yaong kapag nadatnan sila ng pagsubok ay isasandal nila sa kapasiyahan ng dakilang Allah, at ang sabi nila: {Katotohanan tayo ay sa Allah at katotohanan tayo ay babalik sa Allah. Sila yaon nasa kanila ang kapatawaran mula sa kanilang panginoon at habag at sila ang mga napatnubayan. At ang batayan ng Ahlussunnah wal Jamaah na ang isang muslim ay hindi kaagad makakalabas mula sa himpilan ng Islam ng dahil lamang sa nagawang kasamaan kahit na ito ay malaki gaya ng pagkitil ng isang kaluluwa na walang karapatan, at mayroong mga tamang talata nagsasaad sa maliwanag na patunay ang paglabas ng isang muslim mula sa Islam dahil sa kanyang nagawang ibang mga malalaking kasalanan, at iyon ay katulad ng Hadith na ito "Hindi kabilang sa amin ang sinuman ang nanakit ng mukha at nagbutas o nagpunit ng bulsa" ibpa at ang pinakainam na pagpaliwanag nila ang sinabi ni Sheikh Al-islam "Ibn Taymiyyah" na katotohanan ang Eemaan ay may dalawang uri: a- Ang unang uri ay pipigilan ang pagpasok sa impiyerno. b- Ang pangalawang uri ay hindi pipigilan ang pagpasok sa impiyerno, subalit pipigilan ang pamamalagi sa loob niya. At sinuman ganap ang kanyang pananampalataya at sumabay sa pamamaraan ng propeta -sumakanya nawa ang kapayapaan- at Kanyang buong patnubay, siya na yung pipigilan siya ng kanyang pananampalataya mula sa pagpasok ng impiyerno. At sinabi niya -kaawaan nawa siya ng Allah-: katotohanan ang mga bagay ay may mga kondisyon at kontraindikasyon, na hindi maging ganap ang isang bagay kapag hindi mabubuo ang mga kondisyon niya at mawala ang mga kontraindikasyon niya. Ang katulad niya kapag ipapatong ang parusa sa isang gawain, ang gawain na iyon ay dapat makamit ang kaparusahan kapag wala ang kontraindikasyon na magpipigil sa pagkamit niya, at ang pinakamalaking kontraindikasyon ay ang pagkakaroon ng pananampalataya, na magpipigil mula sa pamamalagi sa impiyerno.

التصنيفات

Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan