{May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}

{May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung alin sa mga kakanyahan ng Islām ang pinakamainam. Kaya naman bumanggit siya ng dalawang kakanyahan: A. Ang pagpapadalas ng pagpapakain sa mga maralita at napaloloob dito ang pagkakawanggawa, ang pagreregalo, ang pagpapanauhin, at ang pagpipiging. Natitiyak ang kalamangan ng pagpapakain sa mga panahon ng taggutom at pagtaas ng mga presyo. B. Ang pagbibigay ng pagbati sa bawat Muslim na nakilala mo o hindi mo nakilala.

فوائد الحديث

Ang sigasig ng mga Kasamahan sa pag-alam sa mga kakanyahan na nagpapakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay.

Ang pagbati at ang pagpapakain sa maralita ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain sa Islām dahil sa kainaman ng mga ito at pangangailangan ng mga tao sa mga ito sa bawat sandali.

Sa pamamagitang ng dalawang kakanyahang ito, natitipon ang paggawa ng maganda sa pagsasabi at paggawa. Ito ay ang pinakakumpletong paggawa ng maganda.

Ang mga kakanyahang ito ay sa nauugnay sa pakikitungo ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila. May mga kakanyahan sa pakikitungo ng tao sa Panginoon niya.

Ang pagsisimula ng pagbati ng kapayapaan ay itinangi sa mga Muslim kaya hindi magsisimula ng pagbati ng kapayapaan sa isang tagatangging sumampalataya.

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang mga Kaasalan ng Pagbati at Pagpaalam