إعدادات العرض
Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
[Tumpak]
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Kurdî Oromoo Wolof Soomaali Français Azərbaycan Українська bm தமிழ் Deutsch ქართული Português Македонски Magyar فارسی Русский 中文الشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay naluluma sa puso ng Muslim at nanghihina tulad ng bagong damit na naluluma sa tagal ng paggamit nito. Iyon ay dahilan sa panlalamig sa pagsamba o pagkagawa ng mga pagsuway at pagkalublob sa mga ninanasa. Kaya gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dumalangin tayo kay Allāh (napakataas Siya) na panibaguhin Niya ang pananampalataya natin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga tungkulin at dalas ng pagsambit ng dhikr at paghingi ng tawad.فوائد الحديث
Ang paghimok sa paghiling kay Allāh ng katatagan at pagpapanibago ng pananampalataya sa puso.
Ang pananampalataya ay pagsasabi, paggawa, at paniniwala, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.