إعدادات العرض
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkatapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkatapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng
Ayon kay Warrād, ang tagasulat ni Al-Mughīrah bin Shu`bah, na nagsabi: {Nagdikta sa akin si Al-Mughīrah bin Shu`bah sa isang sulat kay Mu`āwiyah: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkatapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. O Allāh, walang tagapigil sa anumang ibinigay Mo, walang tagabigay sa anumang pinigil Mo, at hindi nagpapakinabang ang yaman sa may yaman laban sa Iyo.)"}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली తెలుగు Bosanski ಕನ್ನಡ Kurdî മലയാളം Oromoo Română Italiano Soomaali Shqip Српски Українська Wolof Moore Malagasy தமிழ் Azərbaycan فارسی ქართული 中文 Magyarالشرح
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi matapos na matapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. O Allāh, walang tagapigil sa anumang ibinigay Mo, walang tagabigay sa anumang pinigil Mo, at hindi magpapakinabang ang yaman sa may yaman laban sa Iyo.)" Ibig sabihin: Nagpapatibay ako at kumikilala ako sa Pangungusap ng Tawḥīd: Walang Diyos Kundi si Allāh. Ang totoong pagsamba ay pinagtitibay ko para kay Allāh at ikinakaila ko sa iba pa sa Kanya sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Nagpapatibay ako na ang paghaharing tunay na lubos ay kay Allāh. Ang lahat ng papuri ng mga naninirahan sa mga langit at lupa ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya) yayamang Siya ay Nakakakaya sa bawat bagay. Ang anumang itinakda ni Allāh na pagbibigay o pagkakait ay walang tagapigil sa Kanya. Sa ganang Kanya, hindi nagpapakinabang sa may yaman ang yaman niya. Tanging nagpapakinabang sa kanya ang maayos na gawain.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng dhikr na ito matapos na matapos ng mga ṣalāh dahil sa nilaman nito na mga pananalita ng Tawḥīd at papuri.
Ang pagdadali-dali sa pagsunod sa mga sunnah at pagpapalaganap ng mga ito.
التصنيفات
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh