إعدادات العرض
Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh
Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi] o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Kiswahili Português සිංහල دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча Hausa ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Lietuvių Македонски Azərbaycan Wolof Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ ភាសាខ្មែរالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga porma ng paggugol at nagpasunud-sunod siya ng mga ito kapag nagsiksikan ang mga anyo ng paggugol alinsunod sa pinakakinakailangan sa iyon kaya nagpasimula siya sa pinakamahalaga saka higit na mahalaga. Nagpabatid siya na ang pinakamaraming yaman sa gantimpala ay ang ginugugol ng Muslim sa sinumang inoobliga sa kanya ang paggugol na gaya ng maybahay at anak. Pagkatapos ang paggugol sa sinasakyang inihanda para sa digmaan sa landas ni Allāh. Pagkatapos ang paggugol sa mga kasamahan at mga kasabayan sa sandali ng pagiging sila ay mga nakikibaka sa landas ni Allāh.فوائد الحديث
Ang pagkakasunud-sunod ng paggugol sa kainaman ay ayon sa anyo na binanggit kaya isasaalang-alang iyon sa sandali ng pagsisiksikan.
Ang paglilinaw sa kaunahan (priority) sa paggugol sa mag-anak sa kainaman higit sa iba sa kanila.
Ang paggugol sa pakikibaka sa landas ni Allāh ay kabilang sa pinakadakila sa mga paggugol tulad ng paghahanda ng mga kasangkapan at mga tao para sa pakikibaka.
Sinabi: Ang ibig sabihin ng "landas ni Allāh" ay ang bawat pagtalima gaya ng pagsasagawa ng ḥajj, halimbawa.