Kapag nakatagpo ng isa sa inyo ang kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}

Kapag nakatagpo ng isa sa inyo ang kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag nakatagpo ng isa sa inyo ang kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Humihimok ang Propeta (s) sa Muslim sa pagbati sa kapwa niya Muslim kapag nakatagpo niya ito pati na kahit naglalakad silang dalawa nang sabay at may naghiwalay sa kanilang dalawa na isang harang gaya ng isang punong-kahoy o isang pader o isang malaking bato, pagkatapos nakatagpo niya ito matapos niyan, bumati siya rito sa muli.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapalaganap ng pagbati at ang pag-uulit nito sa sandali ng bawat pag-iba ng kalagayan.

Ang tindi ng sigasig ng Propeta (s) sa pagpapalaganap ng sunnah ng pagbati at pagpaparubdob dito dahil sa dulot nito na pagtamo ng pagmamahalan at pagpapalagayang-loob sa pagitan ng mga Muslim.

Ang pagbati ay ang pagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum (Ang kapayapaan ay sumainyo)" o "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allah at ang mga biyaya Niya)" bukod pa sa pakikipagkamay na nangyayari sa pagkikita sa unang pagkakataon.

Ang pagbati ay isang panalangin. Ang mga Muslim ay nasa pangangailangan na dumalangin sa isa't isa sa kanila, kahit pa man naulit-ulit iyon.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagbati at Pagpaalam