Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]

Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos mag-umaga habang pinagtakpan nga siya ni Allāh roon saka magsabi siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' samantalang magdamag siyang pinagtatakpan ng Panginoon niya at kinaumagahan naman ay magbubunyag siya ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim na nagkakasala ay inaasahan sa kanya ang paumanhin ni Allāh at ang kapatawaran Nito samantalang ang naghahayag ng pagsuway dala ng pagmamayabang at kabastusan ay hindi nagiging karapat-dapat sa paumanhin yayamang gumagawa siya ng pagsuway sa gabi, pagkatapos kinaumagahan nang pinagtakpan na siya ni Allāh ay nagkukuwento siya sa iba na siya ay gumawa ng pagsuway na ganito kahapon. Magdamag nga na nagtatakip sa kanya ang Panginoon niya at kinaumagahan ay nagbubunyag siya ng tinakpan ni Allāh sa kanya!

فوائد الحديث

Ang kapangitan ng paglalantad ng kasalanan matapos ng pagtatakip ni Allāh (napakataas Siya) sa kanya.

Sa paglalantad ng pagsuway ay may pagpapalaganap ng kahalayan sa mga mananampalataya.

Ang sinumang pinagtakpan ni Allāh sa Mundo, pagtatakpan siya Nito sa Kabilang-buhay. Ito ay bahagi ng lawak ng awa ni Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Nito.

Ang sinumang sinubok sa isang pagsuway, kailangan sa kanya na magtakip sa sarili niya at magbalik-loob kay Allāh.

Ang bigat ng pagkakasala ng mga naglalantad ng kasalanan na nananadya ng paghahayag ng mga pagsuway at nagpapaalpas sa mga sarili nila ng pagpapaumanhin.

التصنيفات

Ang Pagpula sa mga Pagsuway