Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.

Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa hadith na ito ay may paglilinaw sa kung sino ang karapat-dapat sa unang pagbati. Una: Babati ang nakasakay sa naglalakad dahil ang nakasakay ay nakatataas kaya naman ang pagsisimula sa panig niya ay patunay ng pagpapakumbaba niya sa kapatid niyang Muslim habang nasa kalagayan ng pagkakaangat niya. Iyon ay higit na mapang-akit sa pag-ibig sa kanya at pagmamahal sa kanya. Ikalawa: Babati ang naglalakad sa nakaupo dahil sa pagkakawangis niya sa pagpunta sa mga taong nasa loob ng tahanan. Ang isa pang kadahilanan ay na ang nakaupo ay maaaring nahihirapang mapansin ang mga nagdaraan sa kabila ng dami nila, kaya naman naalis sa kanya ang tungkuling magpasimula bilang pagpigil sa hirap. Ikatlo: Ang pagbati ng kaunti sa marami ay isang pagpapahayag ng paggalang at pagpaparangal sa pangkat na ito. Ikaapat: Ang nakababata ay babati sa nakatatanda dahil ang nakatatanda ay may karapatan sa nakababata. Ngunit kung sakaling itinakdang ang mga kaunti ay nalingat at hindi bumati, babati ang mga marami. Kung sakaling itinakdang ang bata ay nalingat, babati ang nakatatanda at hindi iiwan ang sunnah. Ang binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ito ay hindi nangangahulugang kung sakaling bumati ang nakatatanda sa nakababata ito ay ipinagbabawal. Bagkus ang karapat-dapat na kahulugan ay na ang nakababata ay babati sa nakatatanda ngunit kung sakaling hindi ito bumati ay babati ang nakatatanda, nang sa gayon ay umuna ka sa pagbati dahil sa nasaad sa hadith ayon kay Abū Umāmah: "Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah ay ang sinumang nagpasimula sa kanila sa pagbati." Ganito rin kapag naganap ang pagkikita sapagkat tunay na ang pinakamalapit sa kanila kay Allah ay ang sinumang nagpasimula sa pagbati. Nasaad sa isa pang hadith: "Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpasimula sa pagbati."

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagbati at Pagpaalam