إعدادات العرض
Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල தமிழ் دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Wolof Soomaali Moore Українська Български Azərbaycan mr ქართული тоҷикӣ bm Oromoo Македонскиالشرح
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapanatili ng pagbabasa ng Qur'ān at pamamalagi sa pagbigkas nito upang hindi ito malimutan matapos na naging tagapag-ingat nito sa dibdib. Nagbigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon sa pamamagitan ng panunumpa niya na ang Qur'ān ay higit na matindi sa pagkawaksi at pagkaalis mula sa mga dibdib kaysa sa mga kamelyong nakagapos: tinalian ng lubid sa gitna ng braso. Kung nagpanatili sa pagbasa nito ang tao, mapanghahawakan niya ito. Kung nagpakawala siya nito, aalis ito at mawawala ito.فوائد الحديث
Kung namalagi ang tagapagsaulo ng Qur'ān sa pagbigkas nito sa tuwi-tuwina, mananatili itong naisasaulo sa puso niya at kung hindi ay maglalaho ito sa kanya at makalilimot siya nito.
Kabilang sa mga katuturan ng pananatili sa pagbabasa ng Qur'ān ang pabuya, ang gantimpala, at ang pag-angat ng mga antas sa Araw ng Pagbangon.