"Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh.* Kaya kapag gumawa sila niyon, mapangangalagaan sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila…

"Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh.* Kaya kapag gumawa sila niyon, mapangangalagaan sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Kaya kapag gumawa sila niyon, mapangangalagaan sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-utos sa kanya ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal hanggang sa sumaksi sila na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumaksi sila kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkasugo; paggawa ayon sa hinihiling ng pagsaksing ito na pangangalaga sa limang pagdarasal sa araw at gabi at pagbibigay ng isinatungkuling zakāh sa mga karapat-dapat dito. Kapag ginawa nila ang mga bagay na ito, tunay na ang Islām ay mangangalaga sa mga buhay nila at mga ari-arian nila sapagkat hindi ipinahihintulot ang pagpatay sa kanila malibang kapag nakagawa sila ng isang krimen o isang pagsalansang na nagiging karapat-dapat sila dahil dito sa pagpatay alinsunod sa mga patakaran ng Islām. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon mamamahala si Allāh (napakataas Siya) sa pagtutuos sa kanila yayamang nakaaalam Siya sa mga lihim nila.

فوائد الحديث

Ang mga patakaran ay ipinatutupad lamang ayon sa nakahayag at si Allāh ay mamahala sa mga lihim.

Ang kahalagahan ng pag-aanyaya tungo sa Tawḥīd at na ito ay ang kauna-unahan na ipinansisimula sa pag-aanyaya.

Hindi nangangahulugan ang ḥadīth na ito ng pagpilit sa mga tagapagtambal sa pagpasok sa Islām; bagkus sila ay mga makapipili sa pagitan ng pagpasok sa Islām o pagbabayad ng jizyah. Kung nagmatigas sila sa anuman maliban sa pagpigil sa pag-aanyaya tungo sa Islām, walang magagawa kundi ang makipaglaban alinsunod sa mga patakaran ng Islām.

التصنيفات

Ang Islām