إعدادات العرض
Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito
Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa Taon ng Pagsakop habang siya ay nasa Makkah: "Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito." Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa mga taba ng patay sapagkat tunay na ang mga ito ay ipinampipikpik sa mga bangka, ipinanlalangis sa mga katad, at ipinang-iilaw ng mga tao?" Kaya nagsabi siya: "Hindi; ito ay bawal." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon: "Sumpain nawa ni Allāh ang mga Hudyo. Tunay na noong si Allāh ay nagbawal ng mga taba ng mga ito, tinunaw nila iyon, pagkatapos itininda nila iyon saka kinain nila ang halaga niyon."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî অসমীয়া Kiswahili አማርኛ Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands සිංහල پښتو ไทย नेपाली Кыргызча മലയാളം Malagasyالشرح
Nakarinig si Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi noong Taon ng Pagsakop habang siya ay nasa Makkah: "Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito." Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, pinahihintulutan po ba na magtinda kami ng mga taba ng patay dahil ang mga ito ay ipinampapahid sa mga bangka, ipinanlalangis sa mga katad, at ipinangniningas ng mga tao sa mga sulo nila?" Kaya nagsabi siya: "Hindi; ang pagtitinda ng mga ito ay bawal." Pagkatapos nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon: "Pasawiin nawa ni Allāh ang mga Hudyo at sumpain nawa Niya sila. Tunay na noong si Allāh ay nagbawal sa kanila ng mga taba ng mga hayop na iyon, nilusaw nila ang mga ito, pagkatapos itininda nila ang langis ng mga iyon saka kinain nila ang halaga niyon."فوائد الحديث
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang patay, ang alak, at ang baboy ay nagkaisa ang Muslim sa pagbabawal sa pagtitinda ng bawat isa sa mga ito.
Nagsabi si Al-Qāḍī: Naglaman ang ḥadīth na ito na ang anumang hindi ipinahihintulot kainin at pakinabangan ay hindi pinapayagang itinda at hindi ipinahihintulot ang halaga nito, gaya ng sa mga tabang binanggit sa ḥadīth.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang konteksto nito ay nagpaparamdam nang may lakas na ang binigyang-pakahulugan ng pinakamarami ay na ang tinutukoy sa sabi niya na: "ito ay bawal" ay ang pagtitinda hindi ang pakikinabang.
Ang bawat panlalalang na ipinanghahantong sa pagpapahintulot ng isang ipinagbabawal ay walang-kabuluhan.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nagsabi ang mga maalam: Kaugnay sa pagkapangkalahatan ng pagbabawal ng pagtitinda ng patay, ipinagbabawal ang pagtitinda ng bangkay ng tagatangging sumampalataya kapag napatay natin ito at hiniling ng mga tagatangging sumampalataya na bilhin ito o bayaran ng panumbas para rito. Nasaad nga sa ḥadīth na si Nawfal bin `Abdillāh Al-Makhzūmīy ay napatay ng mga Muslim nang Araw ng Trinsera kaya nagkaloob ang mga tagatangging sumampalataya alang-alang sa katawan niya ng sampung libong dirham para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi siya tumanggap nito at ibinigay niya ang bangkay sa kanila.