إعدادات العرض
ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain
ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain
Ayon kay Abū `Abdurraḥmān As-Sulamīy (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: "Nagsanaysay sa amin ang nagpapabigkas sa amin [ng Qur'ān] kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sila noon ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain. Nagsabi sila: Kaya nakaalam kami ng kaalaman at gawain."
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Kurdî Moore Soomaali Français Wolof Oromoo Українська Azərbaycan தமிழ் Deutsch bm ქართული Português Македонски Magyar Русский 中文 فارسیالشرح
Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay tumatanggap noon mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung āyah mula sa Qur'ān at hindi sila lumilipat sa iba pa sa mga ito hanggang sa matutunan nila ang nasa sampung āyah na ito na kaalaman at nagsasagawa sila ayon sa mga ito. Kaya naman nakaalam sila ng kaalaman at gawain nang sabayan.فوائد الحديث
Ang kainaman ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) at ang pagsisigasig nila sa pagkatuto ng Qur'ān.
Ang pagkatuto ng Qur'ān ay sa pamamagitan ng kaalaman at paggawa ayon sa nasaad dito at hindi sa pagbabasa nito at pagsasaulo nito lamang.
Ang kaalaman ay bago ng pagsasalita at paggawa.