إعدادات العرض
1- Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo
2- Ayon kay 'Abdullah bin 'Abdullah bin 'Utbah,Nagsabi siya:Pumasok Ako kay 'Aishah,sinabi ko sa kanya: Hindi moba sasabihin sa akin ang sakit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Oo,Lumalala ng ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Nakapagdasal naba ang mga Tao?))Nagsabi kami: Hindi pa,hinihintay ka nila,Nagsabi siya;(( Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya:(Aisha):Ginawa namin,naligo siya at pumunta siya upang isagawa (ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos ay nagkamalay siya,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nakapagdasal naba ang mga tao?))Nagsabi Kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo,O Sugo ni Allah,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya ( 'Aishah): Umupo siya at naligo,pagkatapos ay pumunta upang isagawa ( ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,Pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:(( Nakapag-dasal mana ang mga Tao?)) Nagsabi kami:Hindi pa O Sugo ni Allah, sila ay naghihintay sa iyo,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa Timba)) umupo siya at naligo siya,pagkatapos ay pumunta upang isagawa (ang dasal, ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:((Nakapagdasal naba ang mga Tao?)) Nagsabi kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo, O Sugo ni Allah,at ang mga Tao ay nanatili sa loob ng Masjid,hinihintay nila ang Propeta sumakanya ang pangangalaga sa pagdarasal ng Eishah na pang-huli,Nagpadala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abū Bakar,upang (sabihing) magdasal siya sa mga Tao,dumating sa kanya ang sugo at nagsabi: Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa iyo na magdasal ka sa mga Tao,Ang sabi ni AbūBakar-at siya ay lalaking maripok-O 'Umar,magdasal ka sa mga Tao,Nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ang mas karapat-dapat dito,Kaya't nagdasal si AbūBakar sa mga araw na yaon,hanggang sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nakita niya sa kanyang sarili ang pagkasigla,Lumabas siya sa pagitan ng dalawang kalalakihan,una ay si 'Abbās upang magdasal ng Dhuhr,Habang si AbūBakar ay nagdarasal para sa mga tao,at nang makita siya ni AbūBakar,pumunta siya upang ipagpahuli,Nagpahiwatig sa kanya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na huwag magpahuli,Nagsabi siya:umupo kayong dalawa sa tabi niya,at umupo silang dalawa sa tabi ni AbūBakar: Nagsabi siya:At si AbūBakar ay nagdadasal na siya ay sumusunod sa pagdadasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Habang ang mga Tao ay (sumusunod) sa pagdadasal ni AbūBakar,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay naka-upo,Nagsabi si 'Ubaydallah:Pumasok Ako kay 'Abdullah bin 'Abbās at sinabi ko sa kanya: Gusto mobang sabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni 'Aishah tungkol sa sakit ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Sabihin mo,at sinabi ko sa kanya ang sinabi niya,At wala siyang tinanggihan sa mga bagay na ito liban sa sinabi niyang: Pinangalanan ba niya sa iyo ang lalaking kasama ni 'Abbās, Nagsabi ako: Hindi,Nagsabi siya: Siya si 'Alī malugod si Allah sa kanya Saheh Al-Bukhari