{Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}

{Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}

Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya), nang nangako ito ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud ayon sa pagkakasambit na ito. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy nang walang dagdag ng pariralang "matapos ng pagkadalisay"]

الشرح

Nagpabatid ang Kasamahang si Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na ang mga babae sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsasaalang-alang sa likido na lumalabas sa ari bilang regla, na kumikiling ang kulay nito sa kaitiman o sa paninilaw, matapos ng pagkakita ng kadalisayan mula sa regla. Kaya naman hindi sila nag-iiwan ng ṣalāh ni ayuno alang-alang doon.

فوائد الحديث

Ang likido na lumabas mula sa ari ng babae, matapos ng pagkadalisay mula sa regla, ay hindi isinasaalang-alang, kahit pa man narito ang pangingitim at ang kadilawang nakukuha mula sa dugo.

Ang paglabas ng pangingitim at kadilawan sa panahon ng regla at nakahiratiang pagreregla ay itinuturing bilang isang regla dahil ito ay dugo sa oras nito bagaman ito ay nahahaluan ng isang likido.

Hindi iiwanan ng babae ang ṣalāh ni ang ayuno alang-alang sa pangingitim at kadilawan na lumabas matapos ng pagkadalisay, bagkus magsasagawa siya ng wuḍū' at ṣalāh.

التصنيفات

Ang Regla, ang Nifās, at ang Istiḥāḍah