O mga tao, kaingat kayo sa pagpapalabis sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga bago ninyo ang pagpapalabis sa Relihiyon."}

O mga tao, kaingat kayo sa pagpapalabis sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga bago ninyo ang pagpapalabis sa Relihiyon."}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang umaga ng [pagbato sa Jamrah] Al-`Aqabah habang siya ay lulan ng inahing kamelyo niya: "Mamulot ka para sa akin ng munting bato." Kaya namulot ako para sa kanya ng pitong munting bato, na siyang mga munting batong naipipitik. Nagsimula siyang nag-aalog ng mga ito sa mga kamay niya at nagsasabi siya: "Ang mga tulad ng mga ito ay ibato ninyo." Pagkatapos nagsabi siya: "O mga tao, kaingat kayo sa pagpapalabis sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga bago ninyo ang pagpapalabis sa Relihiyon."}

[Tumpak] [رواه ابن ماجه والنسائي وأحمد]

الشرح

Nagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya minsan ay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang Araw ng Pag-aalay nang umaga ng pagbato sa Jamrah Al-`Aqabah sa Ḥajj ng Pamamaalam. Nag-utos siya rito na mamulot para sa kanya ng munting bato para sa mga Jamrah. Kaya namulot ito para sa kanya ng pitong munting bato. Ang isa sa mga ito ay kasing laki ng garbansos o abelyana. Naglagay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga ito sa kamay niya, pagkatapos nagpagalaw-galaw siya ng mga ito at nagsabi: "Ayon sa tulad ng mga ito sa sukat ay magbato kayo." Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapalabis, pagpapakatindi, at paglampas sa hangganan sa mga nauukol sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga naunang kalipunan ang paglampas sa hangganan, ang pagpapasobra, at ang pagpapakatindi sa Relihiyon.

فوائد الحديث

Ang pagsaway laban sa pagpapalabis sa Relihiyon at ang paglilinaw sa kasagwaan ng kahihinatnan nito at na ito ay isang kadahilanan ng pagkasawi.

Ang pagsasaalang-alang sa nauna sa atin na mga kalipunan para makaiwas sa kinasadlakan nila na mga kamalian.

Ang paghimok sa paggaya sa Sunnah.

التصنيفات

Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan