Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)"}

Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)"}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pamamagitan ng mga pangungusap na ito: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)"}

[Tumpak]

الشرح

Humiling ng pagkupkop ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa ilang bagay: 1. "Allāhumma innī a`ūdhu (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop)," dumudulog, at nagpapakanlong "bika (sa Iyo)" hindi sa iba sa Iyo "min ghalabati -ddayni (laban sa pananaig ng utang)" panggagapi nito, bagabag nito, at pighati nito, at humihingi sa Iyo ng pagtulong sa pagtapos dito at pagbabayad nito. 2. "wa-ghalabati -l`adūwi" (pananaig ng kaaway)," panggagapi nito, at paghahari nito. Humihiling ako sa Iyo ng pagpigil sa perhuwisyo niya at pagwawagi laban sa kanya. 3. "wa-shamātati -l'a`dā' (at pagkagalak ng mga kaaway) at pagkagalak nila sa anumang dumadapo sa mga Muslim na pagsubok at kasawiang-palad.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagpapakamapagpakupkop kay Allāh laban sa anumang umaabala sa pagtalima at humahatak ng mga bagabag gaya ng utang at iba pa rito.

Ang pagkakaroon ng utang ay walang kaasiwaan dito. Ang kaasiwaan lamang ay sinumang walang pagtupad sa pagbabayad ng utang. Ito ay ang kadalasang nangyari sa utang.

Ang tao ay kailangan na umiwas sa mga bagay na ikagagalak ng kaaway at ikapipintas niya.

Ang paglilinaw sa pangangaway ng mga tagatangging sumampalataya sa mga mananampalataya at ang kagalakan nila sa sandali ng pagdapo ng mga kasawiang-palad.

Ang paglalantad ng mga kaaway ng pagkatuwa nila sa kasawian ng tao ay minamasama ng tao nang higit sa mismong kasawian.

التصنيفات

Ang mga Du`ā' na Ipinahatid