Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}

Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}

Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam sa mga Muslim at ang pinakamataas sa kanila sa ganang kay Allāh sa antas ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān sa pagbigkas, sa pagsasaulo, sa pagtutumpak ng pagbigkas, sa pag-unawa, at pagpapakahulugan; at nagturo sa iba ng taglay niya mula sa mga kaalaman sa Qur'ān kasama ng paggawa niya ayon dito.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw ng karangalan ng Qur'ān at na ito ay pinakamabuting pananalita dahil ito ay pananalita ni Allāh.

Ang pinakamabuti sa mga nagpapakatuto ay ang sinumang nagtuturo nito sa iba, hindi ang sinumang naglilimita sa sarili niya.

Ang pagpapakatuto ng Qur'ān at ang pagtuturo nito ay sumasaklaw sa pagbigkas, mga kahulugan, at mga patakaran.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pagpapahalaga sa Qur'ān