إعدادات العرض
Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}
Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}
Ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский اردو 中文 हिन्दी বাংলা Español Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە Türkçe دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Soomaali Moore Українська Български Wolof Azərbaycanالشرح
Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpunta sa manghuhula, na isang pangkalahatang tawag sa manghuhula, astrologer, geomancer, at tulad nila na kabilang sa sinumang nagpapatunay sa pagkakaalam ng nakalingid sa pamamagitan ng mga panimulang ginagamit niya. Ang payak na pagtatanong ng isang tao sa manghuhula tungkol sa isang bagay kabilang sa mga nauukol sa nakalingid ay magkakait si Allāh dahil dito ng gantimpala ng ṣalāh niya nang apatnapung araw. Iyon ay bilang kaparusahan sa kanya dahil sa kasalanan at malaking pagkakasalang ito.فوائد الحديث
Ang pagbabawal sa panghuhula, pagpunta sa mga manghuhula, at pagtatanong sa kanila tungkol sa mga inilingid.
Maaaring pagkaitan ang tao ng gantimpala ng pagtalima bilang kaparusahan sa kanya dahil sa paggawa ng pagsuway.
Napaloloob sa ḥadīth ang tinatawag na horoscope at ang pagsangguni rito, ang Panghihimalad (Palmistry), at ang pagbasa ng tasa (Tasseography), kahit dala lamang ng pag-uusisa, dahil iyon sa kabuuan niyon ay bahagi ng panghuhula at bahagi ng pag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid.
Kapag naging ito ang ganti sa sinumang pumunta sa manghuhula, papaano na ang ganti sa manghuhula mismo?
Ang ṣalāh nang apatnapung araw ay kailangan ay tumpak, na hindi kinakailangan ang pagbabayad sa mga ito, subalit walang gantimpala sa mga ito.