Ang sinumang sumipi ng isang kaalaman mula sa astrolohiya ay sumipi ng isang sangay mula sa panggagaway, na nadaragdagan ito hanggat nadaragdagan iyon."}

Ang sinumang sumipi ng isang kaalaman mula sa astrolohiya ay sumipi ng isang sangay mula sa panggagaway, na nadaragdagan ito hanggat nadaragdagan iyon."}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumipi ng isang kaalaman mula sa astrolohiya ay sumipi ng isang sangay mula sa panggagaway, na nadaragdagan ito hanggat nadaragdagan iyon."}

[Tumpak]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakatuto at kumuha mula sa kaalaman sa mga bituin at mga konstelasyon at paggamit ng mga pagkilos ng mga ito, pagpasok ng mga ito, at paglabas ng mga ito bilang patunay sa mga pangyayaring pandaigdig gaya ng pagkamatay ni Polano o buhay nito o pagkakasakit nito at tulad niyon kabilang sa magaganap sa hinaharap, nagpakatuto nga siya ng isang bahagi ng panggagaway. Sa tuwing nagparami ang tao ng kaalamang ito, nagparami nga siya ng panggagaway.

فوائد الحديث

Ang pagbabawal sa Astrolohiya na siyang pagpapabatid tungkol sa hinaharap sa pagsalig sa mga kalagayan ng mga bituin dahil ito ay bahagi ng pag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid.

Ang Astrolohiya na ipinagbabawal ay kabilang sa mga uri ng panggagaway na nakikisalungat sa Tawḥīd, na salungat sa pagtingin sa mga bituin para mapag-alaman ang mga direksiyon o ang qiblah o ang pagsapit ng mga panahon (season) at mga buwan sapagkat ito ay pinapayagan.

Sa tuwing nadaragdagan sa pagkatuto niya sa Astrolohiya, siya ay nadaragdagan ng pagkatuto sa mga sangay ng panggagaway.

Ang mga bituin ay may tatlong katuturan na binanggit ni Allāh sa Aklat Niya: gayak para sa langit, mga palatandaan na maipampapatnubay, at mga pambato sa mga demonyo.

التصنيفات

Ang mga Nakasisira sa Islām