Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}

Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ibahin ang nakasasama: ang bawat sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, alinsunod sa kakayahan. Kaya kapag nakakita siya ng isang nakasasama, kinakailangan sa kanya na ibahin ito sa pamamagitan ng kamay kung siya ay may kakayahan. Kung nawalang-kakayahan siya roon, ibahin niya ito sa pamamagitan ng dila niya sa pamamagitan ng pagsaway niya sa nakagagawa niyon, paglilinaw niya rito ng pinsala niyon, at paggabay niya rito tungo sa kabutihan sa halip ng kasamaang ito. Kung nawalang-kakayahan siya sa antas na iyan, ibahin niya ito sa pamamagitan ng puso niya sa pamamagitan ng pagkasuklam niya sa nakasasamang ito at pagtitika niya na kung sakaling nakakaya siya sa pagpapaiba nito ay talaga sanang ginawa niya. Ang pagpapaiba sa pamamagitan ng puso ay ang pinakamahina sa mga antas ng pananampalataya kaugnay sa pagpapaiba ng nakasasama.

فوائد الحديث

Ang ḥadīth ay isang saligan sa paglilinaw sa mga antas ng pagpapaiba ng nakasasama.

Ang pag-uutos ng pagdahan-dahan sa pagsaway laban sa nakasasama. Ang bawat isa ay alinsunod sa kakayahan niya at mga kapangyarihan niya.

Ang pagsaway laban sa nakasasama ay isang dakilang pinto sa Relihiyon. Hindi naaalis ang tungkuling ito sa isa at inaatangan nito ang bawat Muslim alinsunod sa kakayahan niya.

Ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan.

Isinasakundisyon sa pagsaway sa nakasasama ang kaalaman sa pagiging ang gawaing iyon ay nakasasama.

Isinasakundisyon sa pagpapaiba ng nakasasama na hindi mairesulta rito ang isang nakasasamang higit na mabigat kaysa rito.

Ang pagsaway sa nakasasama ay may mga etiketa at mga kundisyon na nararapat sa Muslim na magpakatuto sa mga ito.

Ang pagmamasama sa nakasasama ay nangangailangan ng isang polisiyang legal at ng isang kaalaman at isang pagkatalos.

Ang kawalan ng pagmamasama sa pamamagitan ng puso ay nagpapatunay ng kahinaan ng pananampalataya.

التصنيفات

Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito, Ang Kahatulan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama, Ang mga Batayan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama