إعدادات العرض
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Kurdî Wolof Moore Soomaali Français Azərbaycan Oromoo Українська தமிழ் bm Deutsch ქართული Português Македонски Magyar Lingala Русский 中文الشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: "Si Allāh ay naglahad ng isang paghahalintulad ng Islām sa daang tuwid na nakaladlad na walang kabaluktutan dito. Sa dalawang gilid ng daang ito ay may dalawang pader o dalawang dingding na pumapalibot dito mula sa dalawang dako nito. Ang dalawang ito ang mga hangganan ni Allāh. Pumapagitna sa dalawang dingding na ito ang mga pintong pinagbubuksan: ang mga ipinagbabawal ni Allāh. Sa mga pintong iyon ay may mga pantabing na hindi naglalantad sa tagadaan sa daan ng sinumang nasa loob ng mga ito. Sa simula ng daan ay may isang tagapag-anyayang nagpapanuto sa mga tao, naggagabay sa kanila, at nagsasabi sa kanila: 'Tumahak kayo sa ibabaw nito nang walang pagkiling sa mga tabi at mga gilid.' Ang tagapag-anyayang ito ay ang Aklat ni Allāh. Mayroong isa pang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng daan. Ang tagapag-anyayang ito, sa tuwing nagbalak ang tagalakad sa landasin na magbukas ng isang kaunting sukat mula sa mga pantabing ng mga pintong iyon, ay nagtataboy rito at nagsasabi rito: 'Kapighatian sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot riyan at hindi makakakaya na magpigil ng sarili mo sa pagpasok.' Ang tagapag-anyayang ito ay ang mangangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim.فوائد الحديث
Ang Islām ay ang Totoong Relihiyon at ito ay ang landasing tuwid na nagpaparating sa atin sa Paraiso.
Ang pagkakinakailangan ng pagtigil sa mga hangganan ni Allāh at sa ipinahintulot Niya at ipinagbawal Niya at na ang pagwawalang-bahala sa mga ito ay nagsasanhi ng kasawian.
Ang kainaman ng Marangal na Qur'ān at ang paghimok sa paggawa ayon dito sapagkat narito ang patnubay, ang liwanag, at ang tagumpay.
Ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at sa inilagak Niya sa mga puso ng mga mananampalataya na pumipigil sa kanila at nangangaral sa kanila laban sa pagkasadlak sa mga kasawian.
Si Allāh, sa pamamagitan ng awa Niya, ay gumawa para sa mga lingkod ng mga tagaharang na pumipigil sa kanila sa pagkasadlak sa mga pagsuway.
Kabilang sa mga kaparaanan ng pagtuturo ang paglalahad ng paghahalintulad para sa pagpapalapit [ng kahulugan] at pagpapaliwanag.