Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."}

Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."}

Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat ng manlalakbay na may kasamang aso ni kalembang."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ay hindi nakikisabayan sa pagsama sa isang paglalakbay habang sa pangkat nila ay may aso o kalembang na isinasabit sa mga hayop saka gumagawa ng isang tunog kapag kumilos ang mga ito.

فوائد الحديث

Ang pagsaway laban sa pag-aalaga ng mga aso at pagsasama sa mga ito. Nabubukod sa pagsaway ang aso para sa pangangaso at pagbabantay.

Ang mga anghel na nagpipigil sa pakikipagsabayan ay ang mga anghel ng awa. Hinggil naman sa mga tagaingat, sila ay hindi nakikipaghiwalay sa mga tao sa pananatili ng mga ito at paglalakbay ng mga ito.

Ang pagsaway laban sa kalembang ay dahil sa ito ay isang pantugtog kabilang sa mga pantugtog ng demonyo. Dito ay may pagpapakawangis sa kampana ng mga Kristiyano.

Kailangan sa Muslim na magsigasig siya sa paglayo sa bawat anumang bahagi ng pumapatungkol dito ang pagpapalayo ng mga anghel sa kanya.

التصنيفات

Ang mga Anghel