Subalit ang pinakamainam na Pakikibaka ay ḥajj na tanggap.

Subalit ang pinakamainam na Pakikibaka ay ḥajj na tanggap.

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ako: O Sugo ni Allah, itinuturing namin ang Pakikibaka na pinakamainam ng gawa, kaya hindi ba kami makikibaka? Nagsabi siya: Subalit ang pinakamainam na Pakikibaka ay ḥajj na tanggap."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang ina ng mga Mananampalataya, si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, at ang mga babaing kasama niya ay naniniwalang ang pinakamainam sa mga gawain at ang pinakamarami sa mga ito sa gantimpala ay ang Pakikibaka sa landas ni Allah at ang pakikipaglaban sa mga kaaway. Ginabayan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang gawaing higit na mainam sa panig nila at ito ay ang ḥajj na walang kasalanang nakahalo.

التصنيفات

Ang Kainaman ng Ḥajj at `Umrah