إعدادات العرض
Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila
Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila. Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang kaligawan, magiging laban sa kanya mula sa kasalanan ang tulad ng mga kasalanan ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Tiếng Việt नेपाली Kinyarwanda తెలుగు Lietuvių Română മലയാളം Nederlands Soomaali Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore Shqip ქართული Azərbaycan Magyar Македонски தமிழ் မြန်မာ አማርኛ Malagasy Oromoo ไทยالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang gumabay, nagturo, at nag-udyok sa mga tao sa isang daan na may katotohanan at kabutihan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging ukol sa kanya ang tulad ng pabuya sa sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa pabuya sa tagasunod. At ang sinumang gumabay at nagturo sa mga tao tungo sa isang daan ng kabulaanan at kasamaan na may pagkakasala at kamalian o utos na hindi napahihintulutan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging laban sa kanya ang tulad ng pabigat at kasalanan ng sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pag-aanyaya tungo sa patnubay, kaunti man ito o marami, at na ang tagapag-anyaya ay magtatamasa ng tulad ng pabuya sa tagagawa. Iyon ay bahagi ng kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh at kalubusan ng pagkamapagbigay Niya.
Ang pagkapanganib ng pag-aanyaya tungo sa pagkaligaw, kaunti man ito o marami, at na ang tagapag-anyaya ay magdurusa ng tulad ng pabigat sa tagagawa.
Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Kaya naman ang sinumang nag-anyaya tungo sa kabutihan, magiging ukol sa kanya ang tulad ng pabuya sa tagagawa nito; at ang sinumang nag-anyaya tungo sa kasamaan, magiging laban sa kanya ang tulad ng pabigat sa tagagawa nito.
Kailangan sa Muslim na mag-ingat sa sinumang tinutularan niya dahil sa pakikipaghayag niya ng pagsuway habang ang mga tao ay nakakikita rito sapagkat tunay na siya ay nagkakasala dahil sa ginagaya-gaya niya, kahit pa man hindi ito humimok sa kanya sa gayon.
التصنيفات
Ang Bid`ah