Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}

Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}

Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalananز kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagmamabuting-loob at kasalananو kaya nagsabi siya: Ang pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagmamabuting-loob ay ang kagandahan ng kaasalan kay Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala at sa nilikha sa pamamagitan ng pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, kaayahan ng pagsasalita, pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak, pagtalima, kabaitan, pagsasamabuting-loob, at kagandahan ng pakikisalamuha at pakikisama. Hinggil naman sa kasalanan, ito ang anumang kumilos sa sarili na mga napaghihinalaan, nag-atubili nang walang pagkapanatag ang dibdib doon, at nangyari sa puso dahil doon ang pagdududa at ang pangamba sa pagiging ito ay isang pagkakasala at hindi ka nagnais na maglantad nito dahil sa pagiging ito ay pangit sa mga prominente at mga ideyal sa mga tao at mga lubos sa kanila. Iyon ay dahil ang kaluluwa, ayon sa kalikasan nito, ay nakaiibig sa pagkabatid ng mga tao sa kabutihan nito. Kaya kapag nasuklam ito sa pagkabatid sa ilan sa mga gawain nito, iyon ay kasalanang walang kabutihan doon.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagtataglay ng mararangal sa mga kaasalan dahil ang kagandahan ng kaasalan ay kabilang sa pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob.

Ang katotohanan at ang kabulaanan ay hindi nakalilito ang nauukol sa dalawang ito sa mananampalataya; bagkus nakikilala niya ang katotohanan sa pamamagitan ng liwanag na nasa puso niya at nilalayuan ng loob niya ang kabulaanan saka minamasama niya ito.

Kabilang sa mga palatandaan ng kasalanan ang pagkabagabag ng puso, ang pagkaligalig nito, ang pagkasuklam sa pagkabatid ng mga tao rito.

Nagsabi si As-Sindīy: Ito ay kaugnay sa mga napaghihinalaan kabilang sa mga bagay na hindi nakaaalam ang mga tao sa mga ito sa pamamagitan ng pagtatakda sa isa sa dalawang panig; at kung hindi ang ipinag-uutos sa Batas nang walang paglitaw ng patunay rito sa kasalungatan niyon ay bahagi ng pagsasamabuting-loob at ang sinasaway gayon din naman ay bahagi ng kasalanan. Walang pangangailangan sa dalawang ito sa pagsangguni sa puso at kapanatagan nito.

Ang kinakausap sa ḥadīth ay ang mga tagataglay ng maayos na naturalesa, hindi ang mga tagataglay ng mga pusong natiwali na hindi nakakikilala ng nakabubuti at hindi nagkakaila ng nakasasama maliban sa kinahumalingan mula sa pithaya nito.

Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Sinabing ipinakahulugan ang pagsasamabuting-loob sa ḥadīth sa sarisaring kahulugan. Nagpakahulugan siya nito sa isang banda bilang anumang napanatag doon ang kaluluwa at napanatag doon ang puso. Nagpakahulugan siya nito sa isang banda bilang pananampalataya, sa isang banda bilang anumang nagpapalapit-loob sa iyo kay Allāh, at dito bilang kagandahan ng kaasalan. Nagpakahulugan siya ng kagandahan ng kaasalan bilang pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, at kaayahan ng pagsasalita. Ang kabuuan ng mga ito ay nagkakalapitan sa kahulugan.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang mga Gawain ng mga Puso