إعدادات العرض
O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh
O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung sakaling nagkaisa sila na puminsala sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi pipinsala sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga talaan."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili فارسی தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල ไทย دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Malagasy тоҷикӣ Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული bm Lingala Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Ingatan mo si Allāh sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan nakatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya nakatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na mangalaga sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man tumuon. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag ninais mo ang tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkaisa sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkaisa sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh.فوائد الحديث
Ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata at mga paslit ng mga nauukol sa Relihiyon, Tawḥīd, Etiketa, at iba pa roon.
Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
Ang pag-uutos ng pagsandal kay Allāh at pananalig sa Kanya bukod sa iba sa Kanya. Siya ay kay inam bilang Pinananaligan.
Ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda at ang pagkalugod dito at na si Allāh ay nagtakda nga ng bawat bagay.
Ang sinumang nagpabaya sa utos ni Allāh, tunay na si Allāh ay magpapabaya sa kanya at hindi mag-iingat sa kanya.