{Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}

{Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sasabihin sa tagabasa ng Qur'ān, na tagagawa ng nasaad dito, na tagapanatili rito sa pagbigkas at sa pagsasaulo, kapag pumasok siya sa Paraiso: "Bumasa ka ng Qur'ān, umakyat ka sa pamamagitan niyon sa mga antas ng Paraiso, at bumigkas ka gaya ng ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sa pamamagitan ng pagbasa rito nang may paghihinay-hinay at kapanatagan sapagkat tunay na ang katayuan mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."

فوائد الحديث

Ang ganti ay alinsunod sa mga gawain sa kantidad at sa kalidad.

Ang paghimok sa pagbigkas ng Marangal na Qur'ān, ang pagpapakahusay nito, ang pagsasaulo nito, ang pagninilay-nilay nito, at ang paggawa ayon dito.

Ang Paraiso ay mga tahanan at mga antas na marami, na magtatamo ang mga tagapagtaguyod ng Qur'ān doon ang pinakamataas sa mga antas.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pagpapahalaga sa Qur'ān, Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān