Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}

Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}

[Tumpak]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapaghayag ng pagbigkas ng Qur'ān ay gaya ng tagapaghayag ng pagbibigay ng kawanggawa at ang tagapagkubli ng pagbigkas ng Qur'ān ay gaya ng tagapagkubli ng pagbibigay ng kawanggawa.

فوائد الحديث

Ang pagkukubli ng pagbigkas ng Qur'ān ay higit na mainam kung paano na ang pagkukubli ng kawanggawa ay higit na mainam dahil sa taglay nito na pagpapakawagas at paglayo sa pagpapakitang-tao at paghanga sa sarili, malibang kapag nanawagan ang pangangailangan at ang kapakanan ng paghahayag tulad ng pagtuturo ng Qur'ān.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān, Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Puso, Ang mga Kaasalan ng Pagbigkas ng Marangal na Qur'ān