إعدادات العرض
Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!
Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!
Ayon kay Ibin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu: (( Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!)) Nagsabi sila: O Sugo ni Allah,Ano ang ipag-uutos mo sa amin? Nagsabi siya: ((Ibigay ninyo ang mga karapatan na nasa inyo,at hilingin ninyo sa Allah,yaong para sa inyo))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Malagasy Kinyarwanda తెలుగు Lietuvių Oromoo Română മലയാളം Nederlands Soomaali Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore Shqip Magyar ქართული Azərbaycanالشرح
Sa Hadith ay [naisalaysay] ang pagbabala sa malaking pangyayari na may kaugnayan sa pakikisalamuha ng mga pinuno,ito ang kawalan ng katarungan ng mga pinuno at pagiging sakim nila sa mga yaman ng pangkalahatan,at hindi [ibinibigay] sa mga mamamayan,Kung saan ay ipinaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mamumuno sa mga Muslim ang isang pinuno,na magiging makasarili sa yaman ng mga Muslim,gugugulin nila ito sa kanilang kagustuhan,at hindi nila ibibigay sa mga Muslim ang karapatan nila rito. At ito ay pagkamakasarili at kawalan ng katarungan mula sa mga namumuno, Na maging makasarili sila sa mga yaman na kung saan ay may karapatan ang mga Muslim rito,at nagiging makasarili sila sa mga sarili nila,mula sa mga Muslim.Subalit ang mga kasamahan ng Propeta na kinalulugdan [ni Allah],Hiniling nila ang patnubay ng Propeta sa mga gawain nila,at hindi ang tungkol sa kawalan ng katarungan,Nagsabi sila: Ano ang maipag-uutos mo sa amin?at ito ay dahil sa katalinuhan nila,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "Ibigay ninyo ang karapatang nasa inyo" Ibig sabihin: Huwag ninyong gawing hadlang ang pagiging makasarili nila sa yaman,para sa inyo,na [kung saan ay] hahadlangan ninyo ang anumang nararapat sa inyo,katulad nila,mula sa pakikinig at paniniwala.At hindi pagiging makasarili at hindi paggawa ng mga tukso,Subalit magtiis kayo at makinig,at sumunod kayo at huwag makipag-away sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila ni Allah," At humiling kayo sa Allah nang para sa inyo" Ibig sabihin ay: Hilingin ninyo ang karapatan ninyo mula sa Allah,Ibig sabihin ay:Hilingin ninyo sa Allah na sila ay mapatnubayan upang ibigay sa inyo ang inyong karapatan na nasa kanila,At ito ay kabilang sa karunungan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Sapagkat alam niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang sarili ay hindi makakatiis sa mga karapatan nito,at ito ay hindi masisiyahan sa sinumang nagiging makasarili sa kanila,sa mga karapatan nila. Subalit siya ay nagpatnubay-pagpalain siya ni Allah at pangalagaa-sa isang bagay na magdadala ng kainaman at kabutihan,at mapoproteksiyunan sa likod nito ang kasamaan at tukso,At ito ay pagbibigay sa anumang [karapatan] nila sa atin,mula sa pakikinig at pagsunod,hindi pakikipag-away sa mga bagay,at ang mga tulad pa nito,At hilingin natin sa Allah ang para sa atin.التصنيفات
Ang mga Tungkuling ng Pinuno