إعدادات العرض
Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]
Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]
Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba kami makikipaglaban sa kanila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagdarasal sila."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá සිංහල தமிழ் ไทย دری Кыргызча or Kinyarwanda नेपाली Română Malagasy Lietuvių Oromoo Nederlands Soomaali Српски Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyar Македонскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na may itatalaga sa atin na mga pinuno na magmamabuti tayo sa ilan sa mga gawain nila dahil sa pakikipagsang-ayunan ng mga ito sa minabuti sa Kapahayagan at magmamasama tayo sa ilan sa mga ito dahil sa pakikipagsalungatan nito roon. Ang sinumang nasuklam sa pamamagitan ng puso niya sa nakasasama at hindi nakakaya sa pagmasama, napawalang-sala nga siya sa kasalanan at pagpapaimbabaw. Ang sinumang nakakaya sa pagmasama sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng dila saka nagmasama sa kanila niyon, naligtas nga siya sa pagsuway at pakikilahok doon. Subalit ang sinumang nalugod sa gawain nila at nakipagsunuran sa kanila roon ay masasawi gaya ng pagkasawi nila. Pagtakapos tinanong nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi po ba kami makikipaglaban sa mga nakatalaga sa pamamahala, na ito ang katangian nila?" Sumaway siya sa kanila laban doon at nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagpapanatili sila sa inyo ng ṣalāh."فوائد الحديث
Kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid niya tungkol sa magaganap kabilang sa mga nakalingid at ang pagkaganap nito gaya ng ipinabatid niya.
Hindi pinapayagan ang pagkalugod sa nakasasama ni ang pakikilahok dito at kinakailangan ang pagmamasama rito.
Kapag nagpangyari ang mga pinuno ng anumang sumasalungat sa Sharī`ah, hindi pinapayagan ang pagtalima sa kanila roon.
Ang hindi pagpayag sa paghihimagsik sa mga nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim dahil sa inireresulta roon na kaguluhan, pagpapadanak ng mga dugo, at pagkaalis ng katiwasayan kaya naman ang pagbata sa kasamaan ng mga pinunong tagasuway at ang pagtitiis sa perhuwisyo nila ay higit na magaan kaysa sa paghihimagsik na iyon.
Ang ṣalāh ay dakila ang pumapatungkol dito sapagkat ito ay ang tagapagpaiba sa pagitan ng kawalang-pananampalataya at Islām.
التصنيفات
Ang Paghihimagsik sa Pinuno