إعدادات العرض
Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumuha ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sutla sa kaliwang kamay niya at ng isang ginto sa kanang kamay niya, pagkatapos nag-angat siya kalakip ng dalawang ito ng mga kamay niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî অসমীয়া Kiswahili አማርኛ Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands සිංහල پښتو ไทย नेपाली Кыргызча മലയാളം Malagasyالشرح
Kumuha ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang damit na yari sa sutla o isang piraso mula rito sa kaliwang kamay niya at kumuha siya ng isang ginto mula sa isang alahas o nakawangis nito sa kanang kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na ang sutla at ang ginto ay bawal ang pagsusuot ng dalawang ito sa mga lalaki. Hinggil naman sa mga babae, ang dalawang ito ay pinahihintulutan sa kanila."فوائد الحديث
Nagsabi si As-Sindīy: Bawal: ang tinutukoy ay ang paggamit nito bilang kasuutan at kung hindi ang paggamit bilang salapi, bilang panggugol, at bilang paninda ay pinapayagan sa lahat. Ang paggamit ng ginto sa pamamagitan ng paggawa ng mga kagamitang pangkusina mula rito at ang paggamit ng mga kagamitang ito ay ipinagbabawal sa lahat.
Ang pagpapaluwag ng Batas ng Islām sa mga babae para sa pangangailangan sa gayak at tulad nito.
التصنيفات
Ang Kasuutan at ang Gayak