إعدادات العرض
Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon
Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa." Nagsabi Siya: At ang trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig.}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Oromoo Wolof Soomaali Français Azərbaycan Українська bm தமிழ் Deutsch ქართული Português mk فارسی Magyarالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay sumulat ng magaganap mula sa mga itinakda sa mga nilikha nang may pagdedetalye gaya ng buhay, kamatayan, panustos, at iba pa roon sa Tablerong Pinag-iingatan limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa. Ang mga ito ay magaganap alinsunod sa itinadhana ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang bawat anumang mangyayari ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Kaya ang anumang tumama sa tao ay hindi naging ukol na magmintis sa kanya at ang anumang nagmintis sa kanya ay hindi naging ukol na tumama sa kanya.فوائد الحديث
Ang Pagkakinakailangan ng Pananampalataya sa Pagtatadhana at Pagtatakda
Ang pagtatakda (qadr) ay: ang kaalaman ni Allāh sa mga bagay, ang pagsusulat Niya, ang kalooban Niya, at ang paglikha Niya sa mga ito.
Ang pananampalataya na ang mga itinakda ay naisulat bago likhain ang mga langit at ang lupa ay nagbubunga ng pagkalugod at pagpapasakop.
Ang trono ng Napakamaawain ay nasa ibabaw ng tubig bago likhain ang mga langit at ang lupa.