إعدادات العرض
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}
Ayon kay Abū Muḥammad Al-Ḥasan bin Alīy bin Abī Ṭālib – ang apo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sinisinta nito – na nagsabi: {... Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}
الترجمة
العربية Español አማርኛ English اردو Indonesia বাংলা Français Türkçe Русский Bosanski සිංහල हिन्दी 中文 فارسی Tiếng Việt Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் ไทย Deutsch پښتو অসমীয়া Shqip Nederlands ગુજરાતી Кыргызча नेपाली Lietuvių دری Српски тоҷикӣ Kinyarwanda Română Magyar Čeština Moore Malagasy Oromoo ಕನ್ನಡ Wolof Azərbaycan O‘zbek Українська ქართული Македонски ភាសាខ្មែរ ਪੰਜਾਬੀ मराठी Kirundi Kurmancî Bahasa Melayu မြန်မာالشرح
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng anumang nagdududa ka hinggil dito kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa anumang hindi nagdududa ka hinggil dito kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito.فوائد الحديث
Kailangan sa Muslim ang pagbatay ng mga nauukol sa kanya sa katiyakan at ang pag-iwan sa pinagdududahan, at na siya sa pagrerelihiyon niya ay maging batay sa isang pagkatalos.
Ang pagsaway laban sa pagkasadlak sa mga maling akala.
Kapag ninais mo ang kapanatagan at ang kapahingahan, iwan mo ang pinagdududahan at itapon mo sa tabi.
Ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya yayamang nag-utos Siya sa kanila ng may dulot na kapahingahan ng kaluluwa at isip at sumaway Siya sa kanila laban sa may dulot na pagkabagabag at pagkalito.
