Ang mga Patakaran Nito at ng mga Kundisyon ng Pag-aasawa

Ang mga Patakaran Nito at ng mga Kundisyon ng Pag-aasawa

1- {Nagturo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng talumpati ng pangangailangan:* "Inna –lḥamda lillāh, nasta`īnuhu wa-nastaghfiruhu wa-na`ūdhu bihi min shurūri anfusinā. Man yahdi –llāhu, fa-lā muḍilla lah; wa-man yuḍlil, fa-lā hādiya lah. Wa-ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Yā ayyuha –nnāsu –ttaqū rabbakumu –lladhī khalaqakum min nafsin wāḥidatin wa-khalaqa minhā zawjahā wa-baththa minhumā rijālan kathīran wa-nisā'an wa-ttaqu –llāha –lladhī tasā'alūna bihi wa-l'arḥām; inna –llāha kāna `alaykum raqībā. (Qur'ān 4:1) Yā ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha ḥaqqa tuqātihi wa-lā tamūtunna illa wa-antum muslimūn. (Qur'ān:102) Yā'ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha wa-qūlū qawlan sadīdan yuṣliḥ lakum a`mālakum wa-yaghfir lakum dhunūbakum; wa-man yuṭi`i –llāha wa-rasūlahu fa-qad fāza fawzan `aḍ̆īmā. (Qur'ān 33:70-71) (Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh; nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagpapakupkop tayo laban sa mga masama sa mga sarili natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng sinasabing tama, magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.)"